Lee O'Brian Umalma Sa Pagpapadeport Sa Kanya Ni Pokwang

Lunes, Hunyo 26, 2023

/ by Lovely


 Inalmahan na ng dating kinakasama ni Pokwang na si Lee O'Brian ang deportation case na inihain ng komedyante para tuluyan na siyang mapaalis sa bansa.


Nitong June 26, 2023, nagpunta si Lee O'Brian sa Bureau of Immigration upang maghain ng counter-affidavit para mapawalang bisa ang inihaing deportation case ni Pokwang laban sa kanya.


Matatandaang isiniwalat noon ni Pokwang na walang proper documents at VISA si Lee O'Brian sa kanyang pananatili at pagtatrabaho dito sa bansa.


Samantala, sa paghahain ngayon ni Lee O'Brian hangad niyang sana ay hindi maimpluwensyahan ng kasikatan ni Pokwang ang judgement ng Bureau of Immigration sa kanilang kaso.


“Given the fact that the complainant is very well-known, widely known throughout this county and very, very influential I am basically asking and pleading with the Philippine government and the Bureau of Immigration to look at my case, my deportation case fairly and with justice, according to the merits of the case and whatever I filed here I would plead with them to look at it justly,” pagpapahayag ni Lee.


Sa kabila nito, hindi pa rin naglalabas si Lee O'Brian ng masasakit na salita laban kay Pokwang. Tanging pagrespeto lamang kay Pokwang ang kanyang ipinapahayag.


Matatandaan na ilang beses nang nagbigay ng masasakit na salita si Pokwang laban kay Lee O'Brian na patuloy lang naman sa kanyang pananahimik.


Ilang beses pang ipinahayag ni Pokwang ang pagiging tamad ni Lee bagay na hindi naman nagustuhan ng mga netizens dahil lumalabas umanong nagiging bitter lamang si Pokwang dahil nagsimula lamang ang kanyang pagrarant ng mapabalitang may bago nang jowa si Lee.


Sa kabilang banda, tila ipinapahiwatig naman ni Pokwang na handa na siyang tumanggap ng bagong boyfriend.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo