Toni Fowler, Binalikan Ang Pagiging Dancer Noon Sa It's Showtime

Miyerkules, Hunyo 28, 2023

/ by Lovely


 Hindi napigil ni Toni Fowler ang kanyang emosyon nang muling makabalik sa It's Showtime stage kamakailan.


Ayon lay Toni Fowler, labis siyang nasisiyahan dahil nabigyan siyang muli ng pagkakataon na makapagperform sa It's Showtime. Labis din ang kanyang pasasalamat sa Madlang Pipol sa walang tigil na pagsuporta sa kanya.


Hindi rin napigil ni Toni Fowler ang kanyang emosyon ng maalala niya ang kanyang pagiging back up dancer noon sa It's Showtime sa loob ng tatlong taon.


Matapos ang kanyang performance, nagbahagi ng isang throwback photo si Toni Fowler kung saan makikita ang group picture nila ng kanyang mga dating kasamahang back up dancers ng nasabing show.


Halos hindi rin umano niya akalain na dati ay back up dancer lamang siya sa It's Showtime at babalik siya sa It's Showtime bilang artista.


"Walang paglagyan yung saya ng puso ko na makapag sayaw ulit ako sa Showtime. Naalala ko noon 300 pesos lang per day ang sahod ko Nagtyaga ako ng tatlong taon dahil mahal ko ang trabaho ko at masaya akong magpasikat noon pa man"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo