ABS-CBN It's Showtime at GMA Executives Nagpirmahan Ng Kontrata, Network W@rs Nagtapos Na

Miyerkules, Hunyo 28, 2023

/ by Lovely


Naganap na ngayong araw ng myerkules June 28, 2023 ang contract signing sa pagitan ng ABS-CBN at GMA Executives  para sa pagpapalabas ng Kapamilya show na It's Showtime sa GTV isang subsidiary channel ng GMA7 sa darating na July 1, 2023.


Naroroon din sa nasabing contract signing ang mga It's Showtime hosts upang magbigay ng kani-kanilang mga mensahe.


Samantala, ayon kina Iya Villania at Robi Domingo na nagsilbing host sa nasabing event, magtatapos na ang matagal ng network wars sa pagitan ng ABS-CBN at GMA7 na nagsisilbing malalaking TV network sa bansa.


Sa kabilang banda, inilabas na ni Vice Ganda ang kanyang saloobin sa pagkakalipat ng kanilang show sa GTV matapos ang mahigit isang taon nitong pananatili sa TV5.


Gayunpaman, nilinaw ni Vice Ganda na wala siya sama ng loob sa TV5 sa pagbibigay sa kanilang timeslot sa TVJ dahil naiintindihan naman umano niya ang sitwasyon.


Sa kabilang banda, positibo ngayon ang ilang mga netizens na sa nagaganap na collaboration ng dalawang malaking networks sa bansa ay tuluyan nang matitigil ang nagaganap na network wars.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo