James Yap Masayang Ibinahagi Ang Unang Pag-uusap Nila Ni Bimby Matapos Ang Ilang Taon

Miyerkules, Hunyo 28, 2023

/ by Lovely


 Masayang ibinahagi ng basketball player na si James Yap ang unang conversation nila ng anak niya kay Kris Aquino na si Bimby Aquino matapos ang ilang taon na wala silang komunikasyon sa isa't-isa.


Matatandaan na ibinahagi noon ng Queen Of All Media na si Kris Aquino na nag first move na ang kanyang anak na si Bimby para makausap ang ama noong Father's Day.


“Yesterday Father’s Day, my bunso made me proud – he’s had the number to contact for almost a week, and the reluctance was so real, yet he took the 1st step towards rebuilding a relationship that i know will require some time to repair PERO ang mahalaga ay nagsimula na…” pagbabahagi pa noon ni Kris Aquino.


Samantala sa isang panayam kay James Yap, ipinahayag niya na walong pagsidlan ang kanyang tuwa dahil nakausap na muli niya ang anak matapos ang ilang taon nilang nag-uusap at nagkikita sa personal.


“I’ve been praying for this day to come. Na-miss ko sobra si Bimb! It’s the best Father’s Day gift ever. He said that he is looking forward to seeing his brother MJ again and meet his sister Francine soon. He wished me luck in my new career as a public servant,” pagbabahagi pa ni James.


Labis ang tuwa ngayon ni James lalo na't si Bimby mismo ang nagfirst move para makuntak siya. Matatandaan na noong 2021 hayagang ipinahayag ni Bimby na hindi siya nababahalang hindi niya nakakausap ang ama dahil sapat na umano sa kanya ang kanyang ina.


Inamin din ni Bimby na may tampo siya sa kanyang ama dahil hindi umano siya nito tinatawagan kahit alam naman umano nito ang kanyang number.


O di kaya ay hindi naman mahirap para sa kanyang ama na makakuha ang kanyang contact information.


“I have a phone, and it just takes like 10 digits s keypad to call me, e, hindi niya ginawa in ilang years,” saad ni Bimby.


Samantala, pinabulaanan naman ni Kris Aquino na siya ang dahilan ng hindi pag-uusap ng ama dahil pinagbabawalan niya ang kanyang anak.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo