Netizens Nalula Sa Pasabit at Regalo Ni Rosmar Tan!

Huwebes, Hunyo 29, 2023

/ by Lovely


 Marami ang nalula at napapasana-all sa ginawang pasabit ng TikToker at CEO na si Rosmar Tan.


Kamakailan lamang ay naganap ang kasal ng kapatid ni Rosmar na si Razzel Penamora Tan at isa sa mga inaabangan sa nasabing okasyon ay ang ibibigay niyang regalo sa bagong kasal.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na sa bawat kasalang dinadaluhan ni Rosmar Tan ay palaging pasabog at engrande ang kanyang ibinibigay na mga regalo.


Kagaya na lamang noong kasal ng social media personality na si Siliqueen. Si Rosmar at ang kanyang mister na si Nathan ang isa sa mga naging sponsor sa kasal nito. Kung saan nagbigay lang naman ito ng 200,000 cash bilang pasabit sa bagong kasal.


Samantala, noong kasal naman ng kanyang personal assistant na si Sairah Ilustre ay nagsabit naman siya ng tumatagingting na 500,000 cash. Bukod rito, binigyan din niya ng free honeymoon ang bagong kasal sa ibang bansa.


Kaya naman sa kasal ng kanyang kapatid, inaabangan ng kanyang mga followers kung ano ang kanyang ibibigay at kung gaano itong kabongga.


Kaya naman ng ibinahagi ni Rosmar sa kanyang Facebook page ang kanyang ibinigay na pasabit para sa kanyang kapatid na tinatayang umaabot sa isang milyon, ay napa sana all na lamang ang lahat.


Subalit, hindi pa natatapos ang pasabog ni Rosmar dahil binigyan pa niya ito ng isang brand new car.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo