Pinag-uusapan ngayon ng mga netizens ang agawan ng titulong Pop Icon sa pagitan nina Julie Anne San Jose at Jolina Magdangal.
Nag-ugat ang lahat nang nagparinigan ang mga fans ng dalawang artist na parehong tinaguriang Pop Icon. Matatandaan na inanunsyo na GMA7 ang mga coaches na makakasama ng mga contestant sa The Voice Generations.
Bago ang lahat, naglabas ng teaser ang GMA7 sa magiging coaches ng nasabing singing competition kung saan ginamit nila ang mga titulo ng mga artists na kasama, kabilang dito ang Pop Icon coach.
Agad itong umani ng samu't-saring spekulasyon mula sa mga netizens may mga itinuturong si Sarah Geronimo ang tinukoy ng GMA, may mga nagsasabi naman na si Jolina Magdangal ito dahil hawak umano nito ang nasabing titulo mula pa noong 1990's.
Subalit, nito lamang ay isiniwalat nang ang tinutukoy pala ng GMA bilang Pop Icon Coach ay walang iba kundi si Julie Anne San Jose.
Agad namang umalma ang mga fans ni Jolina Magdangal sa paggamit ng GMA sa Pop Icon title para kay Julie Anne San Jose gayung hawak na umano noon pa man ni Jolina Magdangal ang nasabing title.
May mga nagsasabi pang hindi pa umano nararapat na tawaging Pop Icon si Julie Anne dahil wala pa siyang nailalabas na kanta na nanguna sa charts o maaring ituring na memorable at iconic.
Sa kabilang banda naman ay marami naman umano ang mga naibahaging iconic songs si Jolina Magdangal noong kapanahonan niya.
Dahil sa pag-alma at mga usap-usapan agad na binago ng GMA7 ang pagpapakilala kay Julie Anne mula sa Pop Icon Coach sa Limitless Star Coach.
Sa kabila nito, hindi pa rin natatapos ang mga parinigan ng mga fans nina Julie Anne San Jose at Jolina Magdangal. Ipinunto ng mga fans ni Jolina na hindi nararapat na gamitin ng ibang mga artists ang titulo na dating pinanghahawakan ni Jolina.
Samantala sa isang episode ng Magandang Buhay, tila naglabas ng patama ang co-host ni Jolina Magdangal na si Melai Cantiveros sa mga fans ni Julie Anne na nagsasabing hindi na nararapat si Jolina na tawaging Pop Icon.
Hayagang ipinagsigawan ni Melai na si Jolina lamang ang natatangi at nag-iisang Pop Icon. Makikita naman na tuwang-tuwa rito ang isa pa nilang co-host na si Regine Velasquez. Maging si Jolina ay hindi maitatago ang ngiti.
Kaya naman lalong nainis ang mga fans ni Julie Anne San Jose, sinasabi nilang hindi lamang si Jolina ang may karapatan na matawag bilang Pop Icon.
Hindi rin nagustuhan ng mga fans ni Julie Anne ang patuloy na pagpaparinig nina Melai at Jolina sa pagkakamali ng GMA7 gayung inayos at pinalitan naman na nila ang title na ginamit para kay Julie Anne.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!