Ricci Rivero Ibinulgar Na Nagli-Live in Na Sila Noon Ni Andrea Brillantes, Mga Fans Disappointed

Miyerkules, Hunyo 28, 2023

/ by Lovely


 Ikinagulat ng mga netizens at fans ni Andrea Brillantes ang mga isiniwalat ni Ricci Rivero sa kamakailan episode ng Fast Talk With Boy Abunda.


Kung saan isiniwalat niyang minsan ay nagli-live in na sila ng aktres. Minsan lamang umano silang natutulog na magkasama dahil pinagbabawalan sila ng ina ni Andrea Brillantes.


Sinabi din ni Ricci na may mga gabi na doon siya natutulog sa bahay nila ni Andrea at minsan naman ay si Andrea ay pumupunta sa kanya at magkasama nga silang matutulog.


Lalo namang nadisappoint ang ilang mga netizens at fans kay Ricci Rivero dahil sa pagsisiwalat nito ng mga pribadong pangyayari gayung maari itong makasira sa image ng aktres lalo pa't hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na marami itong mga bashers.


Ayon sa mga netizens, talagang hindi mapagkakatiwalaan itong si Ricci dahil isisiwalat niya ito sa lahat sakaling magkagipitan na.


Maging si Andrea Brillantes ay tila nagalit din kay Ricci Rivero dahil in-unfollow na nito ang dating nobyo sa Instagram.


Tingin din ng ilang mga netizens na talagang ginagamit lamang ni Ricci Rivero si Andrea para maging matunog din ang kanyang pangalan, tila wala rin umano itong pagmamahal sa aktres dahil hindi man lang nito inisip ang reputasyon ni Andria Brillantes at ang pinangangalagaan nitong pangalan sa industriya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo