Eat Bulaga ng TAPE Inc. Pinatalbog ng Pagkain ng Tanghalian Nina Allan K at Carren Eistrup

Miyerkules, Hunyo 28, 2023

/ by Lovely


 Hindi pa man nag-uumpisa ang show ng TVJ sa TV5, tinalbugan na ng live streaming ng ilang legit dabarkads ang live stream ng revamped Eat Bulaga ng TAPE Inc.


Noong June 27, naglive sina Allan K at Carren Eistrup para makipag-usap sa mga fans habang nananghalian.


Nagbigay rin sila ng update sa mga pinagkakaabalahan nila ngayon habang hindi pa nagsisimula ang kanilang show. Ayon kay Allan K busy sila ngayon sa pagrerecord ng mga kanta na gagamitin nila sa kanilang upcoming show.


“Excited na excited na kami, ang aga naming gumising sa call time na 9AM para sa recording,” pahayag ni Allan K.


Makikita rin sa kanilang stream si Wally Bayola na bumati rin sa kanilang mga fans.


Agad na tumabo sa mahigit 600,000 views ang kanilang live.


Samantala sa parehong oras, naglive stream din ang Eat Bulaga ng TAPE Inc. sa mga account nina Isko Moreno at Paolo Contis.


Nakuha naman ng 47K views ang live sa account ni Paolo Contis na may mahigit 1.6 million followers, habang 78K views naman sa account ni Isko Moreno na may mahigit 5 million followers.


Naniniwala naman ang mga netizens na lalo pang bababa ang rating ng Eat Bulaga sakaling babalik na sa pag-ere ang legit dabarkads kasama ang iconic trio na TVJ.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo