Dahilan Ng Hiwalayang Andrea at Ricci, Ibinulgar Na

Linggo, Hunyo 11, 2023

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang pagkukumpirma ng basketball star na si Ricci Rivero sa hiwalayan nila ng aktres na si Andrea Brillantes.


Marami ang nagulat sa balitang ito dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang paging sweet ng dalawa at ang pagiging bukas ng kanilang relasyon sa social media.


Bagama't ipinahayag na ni Ricci Rivero ang kumpirmasyon ng kanilang hiwalayan ni Andrea Brillantes hindi naman niya nilinaw ang totoong dahilan nito.


Samantala, isang kaibigan ni Andrea ang naglabas ng mga cryptic post na tila ba sinasabi nitong nagloko si Ricci Rivero.


Kumakalat rin ngayon ang mga larawang kuha kung saan si Leren Mae Bautista ang kasa-kasama ni Ricci noong kaarawan niya.


Napansin din ng mga netizens na palaging nagrereact si Ricci Rivero sa mga social media post ng nasabing babae. Dahil dito, tila pinatunayan lamang ni Ricci ang sinasabi ng kaibigan ni Andrea Brillantes na siya ang nagloko at hindi nakuntento.


Samantala sa inilabas na tweet ni Ricci Rivero bilang kumpirmasyon sa kanilang paghihiwalay ni Andrea humingi siya ng paumanhin at inako ang lahat ng faults sa kanilang paghihiwalay ng landas.


“I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what were going through. Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve what's left of our friendship,” tweet ni Ricci Rivero.


“I hope let’s stop creating your own version and dragging other characters into these false accusations. I am sorry for whatever disappointments it may have caused you – for everyone’s peace of mind, please allow ourselves to heal and move on peacefully,” pahayag ni Ricci Rivero.


Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng anumang statement ang aktres na si Andrea Brillantes sa naging hiwalayan nila ng kanyang nobyo na si Ricci Rivero.


Matatandaang nagkasama pa noon sina Ricci Rivero at Andrea Brillantes sa naganap na Star Magic Prom at nag trending pa ang ginawang promposal ni Andrea para kay Ricci.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo