Claudine Barretto Sinampal Ng Katotohanan Si Marjorie Barretto Sa Harap Mismo Ni Dennis Padilla!

Linggo, Hunyo 18, 2023

/ by Lovely


 Tila sampal umano sa mukha ni Marjorie Barretto ang ginawa ng kapatid niyang si Claudine Barretto sa kanyang dating asawa na si Dennis Padilla.


Talagang pinakunan pa ng video ni Claudine Barretto ang pagkikita nila ni Dennis Padilla kung saan emosyunal niya itong niyakap at hinalikan sa pisngi.


Niyakap din ito ng kanyang mga anak na sina Noah at Sabina. Paulit-ulit ding sinasabi ni Claudine na namiss niya ang kanyang Kuya Dennis.


Bagay na kailanman ay hindi naramdaman ni Dennis sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto.


Matatandaan na ilang ulit nang nagpahayag si Dennis na nais niyang makasamang muli at kahit makausap man lang ang kanyang mga anak kay Marjorie Barretto na sina Claudia, Leon at Julia Barretto subalit palagi na lamang nilang dinededma ang ama.


Hindi rin nakakalimutan ni Dennis na batiin ang kanyang mga anak sa mga mahahalagang okasyon at sa mga kaarawan nito. Gayunpaman, hindi nakakatanggap si Dennis ng tugon mula sa mga ito.


Kaya naman sa pagkalat ng nasabing video nina Claudine Barretto, mga anak niya at Dennis Padilla, tila sampal umano ito sa mukha ni Marjorie ayon sa ilang mga netizens.


Hindi man lamang umano gumawa ng paraan si Marjorie Barretto na maging maayos ang relasyon ng kanyang mga anak sa ama ng mga ito.


Mabuti pa umano si Claudine ay binibigyan ng appreciation si Dennis at inuudyukan ang mga anak na respetuhin ang kanilang tiyuhin na si Dennis Padilla.


"Super bait Claudine dati super silay sya tumotulong Kay Dennis pero si Marjorie wala talagang utang na loob pati paelyodo asawa niya gusto ipatanggal samga anak niya .dnaman mabuo Kung wlaang ama.grabe Naman.."


"Proud of you claud little by little lahat naayos sa buhay broken relationships will be all healed soon. It's better to have a peaceful heart and genuine happiness.


"Nakikita kung bumabalik ka na sa dating Claudine nag reflect sya sa situation at aura mo. Genuine kindness forgiveness , happiness lang tlga. Minsan nadadapa tlga tayo naliligaw pero imprtante alam natin bumangon at magbago."


"Buti pa si claudin kahit ex na ng sister nya may respect pa din kay Dennis. Pero tung mga anak nyang mga ewan walang ka resperespeto. Wala sila sa Mundo kung de dahil sa tatay nila. Naawa ako sa mga magulang na ginaganyan ng mga anak. 


"Pero mas naawa ako sa mga anak kasi baka pag dating ng panahon babalik sa kanila pinag gagawa nila sa ama nila. Umiikot ang mundo kung anong ge nawa mo sa kapwa mo ay syang babalik sayo."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo