Ogie Diaz Pinangaralan Si Luis Hontiveros Sa Naging Jopay Performance Nito Sa Pagadian City

Miyerkules, Hunyo 28, 2023

/ by Lovely


 Viral at umaani ng samu't-saring pambabatikos ang naging performance ng actor-model na si Luis Hontiveros sa Ms. Pagadian City 2023 noong nagdaang June 19, 2023 sa kanyang pagkanta sa hit song na Jopay.


Marami ang nagsasabi na tila hindi naman pinaghandaan ni Luis ang kanyan performance dahil wala sa tono ang kanyang pagkanta at napaka-unprofessional umano nito dahil hindi niya pinaghandaan ang nasabing event.


Nakadagdag pa sa isyu ang kanyang mainit na bwelta sa kanyang mga bashers at tila iginiit niyang maganda at naging maayos ang kanyang performance taliwas sa mga komento ng kanyang mga bashers.


“Si Mayor Sammy Co and his family mismo ang nag-cheer niyan. maka-react kayo, akala nyo kasali kyo sa live event namin hahaha. Inggit pikit,” pahayag ni Luis.


Dagdag pa niya, “Di naman kayo pinilit na manood pero honestly guys, to all my bashers, thank you so much for this! You guys are the best!”


Samantala, maging ang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz ay nagbigay na rin ng kanyang saloobin sa isyung kinakaharap ngayon ni Luis.


Ipinunto pa ni Ogie Diaz ang responsibilidad ng mga performer na paghandaan ang kanilang performances mapa-concert man ito mga out of town gig.


Pinayuhan din ni Ogie Diaz ang lahat ng mga performer na dapat nilang ayusin ang kanilang mga performance sa mga raket-raket upang makaulit pa o ma-hire naman ng iba na nakapanood sa kanya.


“Next time ha. ‘Yung mga performers na tumatanggap ng out of town shows. Alam niyo, raket ‘yan. Masakit na nga ngayon sa tenga ‘pag sinabi mong raket e. Pero dapat pinaghahandaan din ‘yun para makaulit.”


“Kasi may mga bisita ng mayor ng ibang bayan, malay niyo ay, gusto ko to. Kukunin ko ‘to next time. ‘Di yung ganyan na takbo ka ng takbo tapos papakanta mo pala sa audience ‘yun.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo