Herlene Budol, Tinuruan Si Boy Abunda Na Mag Lato-Lato

Huwebes, Hunyo 29, 2023

/ by Lovely


 Viral ngayon sa social media ang kuhang video mula sa guesting ni Herlene Budol sa programang Fast Talk with Boy Abunda.


Habang nasa commercial break, ang nasabing show ay inaliw muna ni Herlene Budol si Boy Abunda sa pamamagitan ng pagtuturo rito kung paano maglaro ng lato-lato.


Makikita naman sa nasabing video, na talagang seryoso naman si Tito Boy sa pakikinig kay Herlene Budol.


“Lato Lato tayo Tito,” caption ni Herlene Budol sa kanyang post.


Agad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens.


"Bakit tatlo yung ulo ng lato lato na hawak ni tito boy?"


"Mahirap din laroin lato lato na yan"


"Sabayan mo Ng kaldag Herlene Hipon Budol "


"Basta kay Ms Herlene walang dull moment! Enjoy lang!"


Samantala, sa nasabing guesting ni Herlene Budol sa programa ni Tito Boy sinagot ng actress beauty queen ang ilang mga isyu kabilang na ang umano'y pang dodogshow niya sa press conference ng Miss Grand International.


Matatandaan na nakatanggap ng matinding bashing si Herlene Budol matapos ang pagkakamali niya sa Q and A portion sa Miss Grand International Sashing Ceremony.


Nauna nang humingi ng tawad si Herlene sa lahat ng kanyang mga followers at ipinangakong gagalingan pa niya sa susunod upang makabawi naman sa kanyang mga fans.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo