Nabaon Sa Utang! Francine Diaz Sangkatutak Na Pagsubok Ang Pinagdaanan Sa Buhay

Huwebes, Hunyo 22, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ng young actress na si Francine Diaz ang pagpapalayas sa kanila sa bahay na kanilang inuupahan noon.


Hindi lingid sa kaalaman ng mga netizens na isa si Francine Diaz sa mga tinitingalang actress ngayon sa kanilang henerasyon.


Sumikat at nakilala si Francine Diaz nang matagumpay na nagampanan niya ang papel bilang si Cassandra Mondragon sa hit Kapamilya series na Kadenang Ginto.


Subalit, mas marami ang napahanga ng actress dahil sa kanyang mabuting personalidad. Marami ang nagsasabing napakabait ni Francine hindi lamang sa kanyang mga fans kundi pati na rin sa kanyang mga nakatrabaho.


Sa kabilang banda, lingid sa kaalaman ng marami, dumaan rin sa mga samu't-saring pagsubok si Francine Diaz bago pa man niya maabot ang kanyang tagumpay ngayon.


Nauna nang naiulat na noon pa man ay tumatayo nang bread winner ng kanilang pamilya si Francine Diaz. Noon ay nangungupahan pa umano sina Francine Diaz dahil hindi pa nila kayang bumili ng sariling bahay.


Naibahagi pa ni Francine na minsan ay napalayas pa sila sa kanilang inuupahan dahil hindi na sila nakakapagbayad ng upa.


Madalas din umano silang napuputulan ng tubig at kuryente dahil wala silang pambayad. Nagkabaon-baon din sila sa utang dahil sa mga pangunahing gastusin sa kanilang pamilya.


14 years old lamang si Francine nang mag-audition siya at sumubok na pasukin ang pag-aartista. Inamin din ni Francine na noon pa man ay pinangarap na niyang maging artista dahil isa ito sa nakikita niyang paraan para maiahon niya ang kanyang pamilya sa kahirapan.


Sa ngayon, ay nakabili na ng sariling bahay si Francine para sa kanyang pamilya.



@supremecarrel repost, inalis ni tiktok ang audio huhu #francinediaz #fyp #tiktokphilippines ♬ original sound - supremecarrel

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo