Maine Mendoza May Ibinunyag, Patungkol Kay Alden Richards At Sa Pagpapaliban Niya Sa Mahalagang Gawin

Huwebes, Hunyo 22, 2023

/ by Lovely


 Isiniwalat ng actress-host na si Maine Mendoza na ipinagpaliban muna niya ang kanilang wedding planning ng fiancee na si Arjo Atayde dahil may mahalaga umano siyang gagawin patungkol sa kaguluhan na nangyayari ngayon sa Eat Bulaga.


Samantala sa naganap na press conference ng dabarkads sa TV5, ipinahayag ni Maine Mendoza na nais niyang makasama ang kanyang mga dating kasamahan sa Eat Bulaga noong nasa bakuran pa sila ng GMA7.


Matatandaan na kamakailan lamang ay nagsipagresign na sila sa TAPE Inc. kasunod ng pagbabawal sa kanila na makapaglive noong May 31, 2023.


Samantala, isiniwalat naman ni Maine na nakaleave sana siya sa show mula June hanggang July para makapagfocus sa wedding planning nila ni Arjo.


Subalit, tila hindi umano matiis ni Maine na pabayaan na lamang ang TVJ at iba pang legit dabarkads sa kanilang kinakaharap ngayon.


"Actually, naka leave na talaga ako for the wedding planning. So, naka allot na ang June at July ko for wedding planning pero syempre hindi ko naman pwedeng iwan sila sa mga ganito."


"Tulad nga sa mga sinabi ko, kung ano ang laban nila, laban din namin."


Inamin din ni Maine Mendoza na inofferan siya ng TAPE Inc. na manatili sa Eat Bulaga subalit tinanggihan umano niya ito dahil sa kanyang loyalty sa TVJ.


Inamin din ni Maine Mendoza na nais niya ring kasama nila sa paglipat sa bago nilang tahanan dahil isa umano itong legit dabarkads.


“Hindi ko alam kung paano ang mangyayari pero si Alden naman ay legit Dabarkads. Hopefully, hindi ko pa rin alam din e, pero hopefully makasama namin siya dito sa show namin sa TV5.


"Oo naman. Kaming mga Dabarkads namin constant pa rin 'yung communication dito sa bagong show, bagong tahanan, 'yung updates gano'n pa rin," pahayag ni Maine Mendoza.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo