Mayor Bullet Jalosjos Nakiki-usap Sa Mga Netizens Na Bigyan Ng Pagkakataon Ang Panibago Nilang EB Hosts

Linggo, Hunyo 11, 2023

/ by Lovely



Sinagot na ng chief finance officer ng Television and Production Exponent Inc. (TAPE Inc.) na si Dapitan Mayor Bullet Jalosjos ang mga batikos na natatanggap ng mga bagong host ng Eat Bulaga.


Sa isang panayam nanawagan si Mayor Bullet sa lahat ng mga televiewers na bigyan din ng pagkakataon na makapagbigay saya ang kanilang mga panibagong hosts na sina  Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Cassy at Mavy Legaspi, at Alexa Miro.


Matatandaan na pinupuno ngayon ng pambabatikos ng mga netizens maging ng mga televiewers ang mga nabanggit na panibagong Eat Bulaga hosts na siyang pumalit sa dating papel ng TVJ at iba pang hosts na umalis noong May 31.


Ipinunto rin ni Bullet Jalosjos na walang masamang intensyon ang mga ito bagkus ay nais lamang nilang punan ang papel ng TVJ sa pagbibigay ng saya sa mga manonood.


“For all the bashers, sana naman po bigyan n’yo naman po ng pagkakataon ang mga talents namin na ipakita naman po, mapasaya ang mga taong-bayan during this time,” saad ni Bullet Jalosjos.


“Wala po kaming hangarin kung hindi magbigay saya sa ating mga taong-bayan at manunuod.”


Gayunpaman, tila hindi pa rin matanggap ng mga manonood na agarang pinalitan ng mga Jalosjos ang dating mga hosts ng Eat Bulaga.


May mga nagsasabi pang sana ay palitan na lamang ng mga Jalosjos o ng TAPE Inc. ang pamagat ng kanilang show upang hindi na ito mabatikos pa.


Sakaling mapalitan na umano nila ang pamagat ay tiyak na kusa ring titigil ang pambabatikos na natatanggap ng kanilang staffs at bagong mga hosts.


Matatandaan na unang episode pa lamang ng show ay binatikos na ng ilang mga netizens dahil sa pagiging pangit umano nito at tanging pamagat na lamang ang nanatiling Eat Bulaga.


Kung titingnan umano ay tila naging Sunday Pinasaya na ito o di kaya'y Tropang LOL version 2.




 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo