Ana Jalandoni Handa Pa Ring Makatrabaho Ang Ex Na Si Kit Thompson

Lunes, Hunyo 12, 2023

/ by Lovely


 Ibinunyag ng aktres at film producer na si Ana Jalandoni na willing siyang isama ang kanyang ex-boyfriend na si Kit Thompson sa pelikulang kanyang ipo-produce.


Si Ana Jalandoni ay isang film producer at actress. Sa katunayan, kumpleto na ang dalawang pelikulang iprinoduce niya ang ‘Manipula’ sa direksyon ni Neal Tan, at ‘The Morning After’ sa direksyon ni Xian Lim.


Samantala, sa isang panayam naitanong kay Ana Jalandoni kung handa ba siyang isama sa kanyang ipo-produce na pelikula ang kanyang dating karelasyon na si Kit Thompson.


 “Oo naman, maybe in the future, di ba? Depende sa istorya, magaling na aktor si Kit. Hanga ako sa kanya,” sagot ni Ana.


Ayon sa aming nakalap na mga impormasyon, hindi na sila nag-uusap ni Kit, at ongoing pa rin ang kanilang kaso. 


Matatandaan na noong 2022, lumabas ang balitang nakulong si Kit Thompson dahil sa pisikal na pang-aabuso sa kanyang girlfriend noon na si Ana Jalandoni. 


Kinumpirma naman ito mismo ni Ana Jalandoni at nagbigay pa ng mga panayam kung saan idinetalye niya ang nangyaring pananakit sa kanya ni Kit.


Kinailangan pa noong sumailalim ni Ana sa ilang mga surgeries para tuluyang gumaling ang ginawa sa kanya ng aktor.


Samantala, nauna nang inamin ni Ana Jalandoni sa ilang panayam na napatawad na niya si Kit, subalit, tuloy pa rin ang kanilang laban sa korte.


Muling mapapanood si Ana Jalandoni sa pelikulang 'The Revelation' kung saan gagampanan niya ang papel bilang Gwen na isang bartender.


Si Gwen ay ibubugaw ng sariling kapatid upang maging babaeng tagabigay ng aliw. Dahil dito, magiging target si Gwen ng isang serial killer na galit sa mga ganitong uri ng babae.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo