Paolo Contis, Nanawagan Na Huwag I-bash Ang Mga Naiwang Crews at Staff Ng Dating Eat Bulaga!

Linggo, Hunyo 11, 2023

/ by Lovely


Nanawagan ang actor at Eat Bulaga host na si Paolo Contis sa mga netizens na itigil na ang pambabatikos sa kanyang mga kasamahan at staff ng noontime show na nagpasya na manatili sa ilalim ng Television and Production Exponent Inc.


Sa closing spiel ng Eat Bulaga sa pagtatapos ng kanilang unang linggo, nagbigay ng speech si Paolo Contis para sagutin ang mga pambabatikos na natanggap nila sa social media mula sa mga tagahanga ng orihinal na Dabarkads na binubuo nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.


Unang binati ni Paolo Contis ang buong staff ng Eat Bulaga sa matagumpay na unang linggo at binanggit ang ginawa nilang pagsisikap upang magkapagbigay ng kasiyahan sa lahat ng mga televiewers sa gitna ng kontrobersiya at pambabatikos na kinakaharap nila.


“Mga Dabarkads, unang Sabado po namin ngayon, and, guys, congratulations to us. Naka-isang linggo tayo,” saad Paolo. 


“Lahat ng pagod, lahat ng efforts na araw-araw makasama namin kayo, lahat ng pang-aalipusta, lahat ng pamba-bash, lahat ng pagpupuna sa amin ng mga tao, lahat po iyan, inspirasyon namin iyan to do better. Binabasa po namin lahat iyan.”


“Pero siyempre, yung mga magagandang comments, nababasa rin po namin iyan kaya maraming-maraming salamat po sa inyo,” dagdag pa niya.


Ipinunto rin ni Paolo na may kani-kanilang pamilya silang dapat na suportahan at pakainin kaya hindi nararapat na silang batikusin at tawagin ng mga kung ano-anong masakit na salita.


“Umaga hanggang gabi, nagtatrabaho po sila. Umaga hanggang gabi, nagtatrabaho iyan para pagdating namin dito sa studio, masaya kayo, at alam na namin ang gagawin namin. Sila ang dahilan kaya alam namin ang ginagawa namin,” pahayag ni Paolo Contis.


Pagpupunto pa ni Paolo Contis, “Ngayon, gaya po ng programang Eat Bulaga!, itong mga staff and crew po namin, pinili po nila na hindi rin mang-iwan dahil may mga pamilya sila na nangangailangan. Sila po ang nagpapakain sa mga pamilya nila.”


Hiling pa ni Paolo Contis na siya na lamang ang batikusin at ibash nang ibash huwag lamang ang kanyang mga kasamahan lalong-lalo na ang mga staff.


“Kasi po, we will do our best para maging masaya po kayo, pero sana lang po, huwag niyo na pong idamay yung staff at yung crew. They don’t deserve it. Maybe I do, maybe I do, but they don’t!”


“So kami na lang, sanay na kami diyan. Sila po, ang staff, ang crew, sila po ang tunay na Eat Bulaga!”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo