Matagal Nang Pinapangarap Ni Alden Richards Natupad Na

Huwebes, Hunyo 15, 2023

/ by Lovely

Dream come true para sa Kapuso actor at Multimedia Star na si Alden Richards na makasama sa iisang proyekto ang Mega Star na si Sharon Cuneta.


Noon pa man ay aminado na si Alden Richards na nais niyang makasama sa iisang eksena si Sharon Cuneta dahil kilala ito sa pagiging magaling sa larangan ng pag-arte.


Labis rin ang tuwa ni Alden Richards dahil hindi lamang sila basta magkaka-eksena sa kanilang pelikula, gagampanan kasi nila ang papel ng mag-ina.


Samantala, maging ang mga fans nina Mega Star Sharon Cuneta at Alden Richards ay tila hindi na rin makapaghintay na lumabas ang pelikulang pagsasamahan ng dalawa.


May mga nagsasabi pang tiyak na umanong magiging box office hit ang pelikula ng dalawa. May mga nagtatanong na rin kung kailan ang block screening.


May mga fans pa na nagsasabing bagay na maging mag-ina ang dalawa dahil may hawig ang mga ito at pareho pang magaling sa pag-arte.


"Matinding iyakan ba ‘to waaaaaaa! Congrats Alden!"


"The first celebrity that I became a fan of was Ms Sharon Cuneta and that started when I was about 7 years old. Imagine my excitement now over your movie together!!"


"What are Shawie and Alden's common denominators? Theyre both naturally sweet, good and humble people. Very excited for this project!"


"So happy and excited for you... Your dreams and wishes are coming true, one by one!"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo