Bayani Agabayani Papasok Na Rin Sa Eat Bulaga Malaki Daw Ang Offer Ng Mga Jalosjos

Huwebes, Hunyo 15, 2023

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang balitang papasok na rin bilang host ng rebranded Eat Bulaga ng mga Jalosjos ang komedyanteng si Bayani Agbayani.


Si Bayani Agbayani ay kabilang sa mga host ng nagtapos na show sa TV5 na Tropang Lunch Out Loud.


Sa kamakailang episode ng Cristy Ferminute, isiniwalat ni Manay Cristy Fermin na pinag-iisipan na ngayon ni Bayani Agbayani ang offer ng TAPE Inc. na papasok siyang host sa Eat Bulaga.


Ayon pa kay Manay Cristy Fermin na hanggang ngayon ay hinihintay pa rin umano ng TAPE Inc. ang magiging desisyon ni Bayani Agbayani.


Samantala, nakarating naman umano kay Manay Cristy Fermin na may malaking posibilidad na tatanggapin ni Bayani Agbayani ang offer sa kanya ng TAPE dahil handa naman umano siyang pumasok at magtrabaho kahit saan man.


Sa ngayon ay hindi pa umano ito nakakapagdesisyon ng tuluyan dahil sa usaping muling magbabalik sa pag-ere ang kanilang show na Tropang Lunch Out Loud. May mga negosasyon at usapin na diumano ngayon ang pamunuan ng Tropang LOL at ang Net25.


Samantala ayon sa source na mas malaki ang inoffer ng TAPE Inc. kay Bayani Agbayani dahil sa pag-asang mapapataas nitong muli ang bumabagsak na ratings ng show.


Tila nati-trigger na ngayon ang mga Jalosjos  dahil nalalapit na ang pagbabalik ng TVJ sa telebisyon kaya naman kinakailangan na nilang magkaroon ng magagaling na hosts.


Marami naman ang sang-ayon sa desisyon ng TAPE Inc. sa pagpapasok kay Bayani Agbayani dahil magaling itong komendyante at may karanasan na rin ito sa pagiging host ng isang noontime show.


Sa huli, hiling na lamang na sana'y hindi makatanggap ng labis na pambabatikos si Bayani Agbayani kagaya na lamang sa mga kasalukuyang hosts ngayon ng noontime show.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo