Zeinab Harake May Buwelta Sa Iresponsableng Ama Sa Anak Nila!

Miyerkules, Hunyo 21, 2023

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinag-uusapan sa social media ang controversial OPM Rapper at vlogger na si Zeinab Harake.


Matatandaan na nitong nagdaang Valentine's Day tila nagkaroon ng bangayan ang dalawa bagama't hindi naman nila binabanggit ang pangalan ng isa't-isa.


Sa isang art card na ibinahagi ni Skusta Clee ang ipinintang larawan nila nila ni Baby Bia habang kinakarga niya ang bata. Sa bandang itaas pa ng kanilang larawan ay may isang baby angel na isang lalaki.


Ayon sa ilang mga netizens ang lalaking anghel sa itaas nina Skusta Clee at Baby Bia ay walang iba kundi ang ikalawang anak sana nila ni Zeinab na si Baby Moon.


Tila isa umanong paraan ang pagbabahagi ni Skusta Clee na ito upang ipahayag ang kanyang pagkakamiss sa mga anak.


Binati rin niya ang kanyang sarili sa araw ng mga Ama. Agad naman itong umani ng samu't-saring reactions mula sa mga netizens may mga nagsasabing bagay lamang kay Skusta Clee na hindi ipahiram ang anak dahil sa mga kagaguhan na pinaggagawa nito kay Zeinab Harake.


May mga hayagan pang pinagsabihan si Skusta Clee na isang walang kwentang ama.


Agad naman itong inalmahan ni Skusta Clee at sinabing kaya niyang maging mabuting ama kung ibibigay lamang sa kanya ang pagkakataon.


Gayunpaman, tila nagmistulang bingi si Zeinab Harake sa mga hinaing ni Skusta Clee nitong father's day at hayagan pang binati ang kanyang bagong nobyo na si Ray Parks Jr.


Si Ray Parks ay wala pang anak kaya naman naghinala ang mga netizens na pinatamaan ni Zeinab si Skusta Clee dahil si Ray Parks ang sumalo sa ilang pangangailangan nilang mag-ina.


Ipinahayag pa ni Zeinab Harake kung gaano ka responsable si Ray Parks sa pag-aalaga sa kanilang mag-ina at sa aso nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo