Lee O'Brian Naniningil Ng 2.4 Million Kay Pokwang Dahil Sa Kanilang Channel

Biyernes, Hunyo 30, 2023

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay natalakay sa YouTube vlog ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz ang isyu sa pagitan ng dating magpartner na sina Lee O'Brian at Pokwang.


Tila nagkaroon umanong muli ng isyu sa pagitan ng dalawa dahil sa pag-aagawan nila sa tunay na nagmamay-ari sa kanilang YouTube channel na 'Poklee'.


Ayon kay Ogie Diaz, may nakapagsabi umano sa kanya na humihingi ngayon si Lee O'Brian ng mahigit 2.4 million pesos kay Pokwang para masolo na umano ng aktres ang kanilang YouTube channel.


“Kasi nga ang nakarating din sa atin, na para ibigay ni Papang ‘yung 'Poklee' channel nila sa YouTube kay Mareng Pokwang, na may 531,000 na followers, e 2.4 million ang sinisingil ni Papang. Totoo ba yun papang?” pagsisiwalat ni Ogie Diaz.


Matatandaang nauna nang ipinahayag ni Pokwang na nais niyang makuha ang kanilang YouTube channel mula kay Lee O'Brian na kasalukuyang may hawak nito ngayon. Para makatulong naman kahit papano sa kanila ni Malia.


Subalit, hindi umano pumayag si Lee O'Brian kaya naman nagpatulong na si Pokwang sa kanyang abogado para mabawi niya ang nasabing YouTube channel.


“Hi Mare. Thank you so much sa tulong. Sensya na maga ang mata ko, maghapon akong iyak nang iyak. nanghihinayang kasi ako sa PokLee Youtube namin. E ayaw naman i-surrender nung isa. Ayaw nmang ibigay sa amin ng anak niya. So we decided na mag-start na naman ako from the top.”


"Mag-iipon na naman ako ng followers na pinagpaguran ko doon sa ming Youtube channel na PokLee. So papa-shut down ko nalang kaysa naman pakinabangan ng kung sino-sino,” pahayag noon ni Pokwang.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo