It's Showtime Hosts Naging Emosyunal Sa Huling Araw Nila Sa TV5

Biyernes, Hunyo 30, 2023

/ by Lovely


 Hindi napigil ng It's Showtime hosts na maging emosyunal sa huling araw ng pag-ere nila sa TV5.


Nauna nang naiulat ang paglipat ng It's Showtime sa GTV dahil nagtapos na ang kanilang kontrata sa TV5. 


Nag-alok naman umano ang TV5 na ililipat sila sa ibang timeslot dahil ang kasalukuyan nilang timeslot ngayon ay ibibigay na sa TVJ, subalit mas pinili ng It's Showtime na umalis na lamang.


Sa huling araw ng kanilang pag-ere sa TV5, nagbigay ng heartfelt message si Vice Ganda sa Kapatid network kung saan ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat.


“Sa araw po na ito ay isang kabanata ng 'It's Showtime' ang nagwawakas. Alam niyo naman ang 'Showtime' ay parang isang mahabang kwento. Para siyang isang libro na araw-araw, tuwing umeere kami ay saka pa lang namin isinusulat ang laman ng libro na 'yan,” pahayag ni Vice Ganda.


Dagdag pa niya, “So oras po na ito, sa araw na ito ay isang kabanata ng libro na 'yon ang nagtatapos. 'Yung kabanata ng pagiging bahagi namin ng Kapatid network, TV5. 


"Ito na po ang huling pagkakataon na mapapanood niyo kami sa TV5 kaya naman po gusto naming magpasalamat sa pamunuan ng TV5, sa inyong tahanan, sa pagbibigay po sa amin ng pagkakataon, ng oportunidad na makagamit po ng inyong bahay. 


"Sa pagkupkop sa amin kahit hindi naman masyadong matagal, panandalian ay napakalaking tulong po nu'n sa amin.”


Pinasalamatan din ni Vice Ganda ang Madlang Pipol sa walang tigil na pagsuporta sa kanilang show.


“Maraming maraming salamat, Madlang Pipol, dahil kahit saan man kami mapunta, anuman ang pangyayari sa Showtime, anuman ang kinahihinatnan ng Showtime, anuman ang pinagdadaanan at kinakaharap ng Showtime, ilang beses niyong pinatunayan sa amin na kayo ang bumubuhay sa amin sa ilang beses naming paghihingalo.”


Habang sinasabi ni Vice ang kanyang mensahe, hindi naman napigil ng iba pang It's Showtime hosts ang mapaluha dahil ramdam nila ang emosyon ni Vice Ganda na nakapaloob sa kanyang mensahe.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo