Jalosjos Binawi Ang Pera Sa Contestant Na Nagpasalamat Sa TVJ!

Huwebes, Hunyo 15, 2023

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang pagkakamali ng isang contestant ng Eat Bulaga.


Tila nawala sa isip ng isang contestant sa isang segment ng Eat Bulaga na nagresign na ang TVJ sa show dahil sa kanyang excitement.


Sa kanyang mensahe, pinasalamatan niya ang TVJ o sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.


Samantala, may mga kumakalat ngayon na bali-balita na hindi nagustuhan ng mga Jalosjos ang nagawa ng nasabing contestant. Pakiramdam umano ng mga Jalosjos na binabastos sila ng contestant.


Kaya naman may ilang mga netizens ang nagsasabing baka tuluyan nang binawi ng mga Jalosjos ang perang papremyo para sa contestant dahil sa kanilang inis at galit.


Samantala may mga dumipensa naman sa nasabing contestant, hindi umano masisisi ito ng mga Jalosjos at iba pang hosts ng panibagong Eat Bulaga dahil nakatatak na umano sa mga ito na kadikit na ng Eat Bulaga ang TVJ.


Marami naman ang nakapansin at humanga sa hosting ni Isko Moreno kung saan magalang niyang ipinahayag sa contestant na ang TVJ ay kasama noon ng Eat Bulaga at sila na ngayon ang bagong hosts nito.


"Infairness mabilis magisip c yorme hehe, nice nice"


"Very pro si Yorme! Galing!"


"kahit kailan talaga. napaka professional ni yorme"



@wonderbernafinds magaling pa si yorme maghost eh, palitan nalang nyo Kasi ung title Ng show para Di na malito mga contestantšŸ¤£ #eatbulaga #gsagedli #yormeiskomoreno ♬ original sound - Wonder.Finds

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo