Joey De Leon, Binanatan at Pinatulan Ang Mga Bashers Na Pinagreretire Na Sila

Biyernes, Hunyo 30, 2023

/ by Lovely


 Hindi napigil ni Joey De Leon na sagutin ang mga bumabatikos sa kanya at kina Tito Sotto at Vic Sotto patungkol sa kanilang edad.


Hindi naman maipagkakaila na talagang may edad na ang iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon. Si Tito Sotto ay nasa 74 years old na, si Vic Sotto naman ay 69 years old na habang si Joey De Leon naman ay 76 years old.


Kaya naman, may mga netizens na nagsasabing mas mabuti ngang magretire na lamang ang tatlo at i-enjoy na lamang ang kanilang nalalabing oras kasama ng kanilang pamilya.


Nag-ugat ang usaping ito nang pumutok ang balitang may hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng TVJ at TAPE Inc., na siyang producing company ng 'Eat Bulaga'.


Tila hindi naman ito nagustuhan ni Joey De Leon at tinawag na mga "buwisit”, “inggitero,” at “pakialamero.”


Pinangaralan din niya ang mga bashers at ipinuntong walang masama kung magtatrabaho man sila sa kanilang edad ngayon dahil kaya pa naman nila.


Sinabi rin ni Joey De Leon, na ang pagtatrabaho nila ngayon ay para rin naman sa kani-kanilang pamilya.


“Kaya yung mga nagsasalita na mga buwisit. Didiretsuhin ko na, may ilan lang yan, e. Yung, ‘Uy, ang tatanda niyo na, pagbigyan niyo na yung mga bata.'


"Well, ito para sa yo to... A, ikaw puwede ka na palang ilibing. Yung ganun.


“Tumahimik ka na. Kasi, ito may galit na ako, e, kasi pakialamera o inggitera kayo, inggitero kayo o pakialamero. 


“Ang tao, hanggang gustong gumalaw, pabayaan mong gumalaw. Kung gustong magtrabaho, pabayaan mong magtrabaho.


"Kaya ka nagtatrabaho, pag tanda mo, hindi na para sa sarili mo, para na yan sa pamilya mo. Ito, lecture na to, para na yan sa ibang tao. Para na yan sa pamilya mo, sa mag-anak mo,” prangkang pahayag ni Joey De Leon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo