Herlene Budol, Sakit Sa Ulo Sa Taping Ng Magandang Dilag!

Lunes, Hunyo 19, 2023

/ by Lovely


 Pinabulaanan ng Kapuso actress at beauty queen na si Herlene Budol ang isyung siya ang dahilan kung bakit naantala at natagalan ang taping sa kanyang debut series sa GMA7 na Magandang Dilag.


Matatandaan na naging usap-usapan noon na marami sa mga katrabaho ni Herlene Budol sa nasabing teleserye ang nagrereklamo dahil sa pagiging sakit umano sa ulo ng actress.


Pinagsabihan na rin umano si Herlene ng kanyang mga kasamahan dahil sa labis na pagtanggap ng mga proyekto kasabay ng taping nila para sa Magandang Dilag.


Gayunpaman, sa naganap na media conference para sa Magandang Dilag, ipinagdidiinan ni Herlene na hindi siya ang dahilan kaya naantala ang taping at hindi rin umano maiiwasan ang mga ganitong bagay.


"Hindi naman po maiiwasan yung mga ganung bagay. Give and take naman po kami sa mga taping schedules sa ibang mga lakad ba. Yung mga outside world naman na schedules, obligasyon naman din kasi yun," pagdidipensa ni Herlene.


Paglilinaw pa ni Herlene na walang isyu sa cause of delay sa kanilang magkatrabaho. Hindi rin umano niya alam kung saan nanggaling ang mga isyu patungkol sa siya ang naging dahilan ng pagkakadelay.


Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin siya sa mga bumabatikos sa kanya dahil naniniwala siyang good or bad parehong publicity pa rin iyon.


Tinanong naman ang mga kasamahan ni Herlene Budol sa teleserye at pinatunayan naman nilang professional ito pagdating sa trabaho.


"The first day I reported to the set and I met Herlene sa tent, right away alam kung hindi ako mahihirapan sa kanya," pahayag ng isa sa mga kasamahan ni Herlene.


"And I was hoping na hindi lamang ito pang first day. True enough hanggang last day ay ganun pa rin ka dedicated si Herlene kahit wala siyang tulog," dagdag pa nito.


Nagustuhan din umano nila ang pagiging respectful ni Herlene sa lahat ng kanyang mga kasamahan sa teleserye.


Isiniwalat pa ng mga kasamahan ni Herlene na nalulungkot ang dalaga sa tuwing hindi kaagad nakukuha ang scene dahil takot itong makaabala sa iba.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo