Herlene Budol, Idinaan Sa Iyak Ang Natatanggap Na Bashing

Huwebes, Hunyo 22, 2023

/ by Lovely


 Napaiyak na lamang ang beauty queen-comedian na si Herlene Nicole Budol dahil sa natatanggap niyang negatibong komento mula sa mga netizens dahil sa pagkakamali niya sa pagsagot sa Q and A portion sa naganap na sashing ceremony ng Miss Grand International.


Marami ang nadismaya sa naging performance ni Herlene Budol sa naganap na Sashing ceremony ng Miss Grand Philippines 2023.


Ayon sa ilang mga netizens, tila nasubrahan na si Herlene sa kanyang confidence at sumusubra na rin umano ang kanyang pagkawitty.


Nasubrahan na rin umano si Herlene sa pagpapakatotoo dahil sa ginawa niya sa harap ng nagtatanong sa kanya. Napataas rin ang kilay ng ilang mga netizens dahil tila nilaro lamang ni Herlene ang pagsagot sa isang katanungan na maayos naman ipinarating sa kanya.


May mga nagsasabi pang tila dinogshow ni Herlene ang competition. Sa halip na kabiliban marami ang nadismaya kay Herlene dahil sa mga inasal niya sa stage gayung ang Pilipinas ang irerepresent niya sakaling siya ang palaring manalo.


Sa kabilang banda, kaagad na humingi ng paumanhin si Herlene Budol sa kanyang pagkakamali. Inamin din niya na ang labis na pressure at kaba ang naging sanhi kaya hindi niya naintindihan ang tanong.


Nilinaw din niya na hindi niya ginawang laro ang katanungan sa kanya ng judge, maging ang kanyang performance naunahan lamang umano siya ng kaba.


"Sa sobrang kaba ko po Hindi kopo naexplain yung kung Anong gusto kopong sabihin sorry I admit di po ako magaling. Sa lahat ng bagay and sorry kung nawalan po kayo sakin ng kumpyansa Sa isang pag kakamali.


"I’ll try my best to make you proud. Hindi ko po nilaro diko lang po talaga na gets yung tanong and I accept it 

Hindi po ako perpekto. Thankyou for those people na naniniwala padin po saakin."


Samantala, nagbigay naman ng payo ang ilang mga netizens kay Herlene Budol. Pinayuhan nila si Herlene na mas pag-igihan pa ang kanyang training para hindi naman siya maging katawa-tawa sa taas ng stage.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo