Jose Manalo Nagsalita Na, Pinangaralan Ang New Eat Bulaga Hosts

Huwebes, Hunyo 22, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang host na si Jose Manalo hinggil sa pag-alis nila sa TAPE Inc. at sa GMA7.


Matatandaan na kabilang si Jose Manalo sa mga hosts na kaagad na nagresign sa TAPE Inc. kasunod ng pagsisiwalat ng TVJ na tuluyan na nilang tatalikuran ang mga Jalosjos noong May 31, 2023.


Ayon kay Jose Manalo, hindi siya nag-alinlangan na iwan din ang TAPE Inc. at GMA7 dahil ipinaubaya na umano niya ang lahat sa panginoon.


Hindi rin umano siya nagwoworry sa susunod na mangyayari sa kanila dahil alam niyang hindi sila pababayaan ng Diyos.


Sinagot din ni Jose Manalo ang katanungan ng press kung magkakaroon ba siya ng problema sa pagtatrabaho sa pagitan ng GMA7 at sa TV5.


Matatandaan na nauna nang naiulat na kasama si Jose Manalo sa show nina Maja Salvador at Bossing Vic Sotto sa show na 24/7. Isa rin siya sa mga judges ng Battle of the Judges ng GMA7.


Sa palagay umano ni Jose Manalo ay wala namang magiging conflict sa schedule niya dahil hindi naman umano magkasabay ng timeslot ang mga nabanggit niyang appointments sa dalawang networks.


Ipinahayag rin ni Jose Manalo na may kunti siyang tampo sa GMA7 dahil hindi umano sila ipinaglaban ng mga ito. Gayunpaman, iniintindi ni Jose na baka ay lumalagay lamang sa gitna ang GMA dahil dati lamang silang blocktimer ng rito.


Samantala, isiniwalat din ni Jose Manalo na wala siyang sama ng loob sa mga bagong Eat Bulaga hosts ng TAPE Inc. na siyang pumalit sa kanila.


Ipinunto pa ni Jose na iba-iba naman ang mga idea at atake ng bawat isa sa mga show na ginagawa. Kaya naman nirerespeto umano niya ang mga pumalit sa kanila sa show.


Tila nagbigay rin ng payo si Jose sa mga ito, aniya palaging lumingon sa pinanggalingan upang maging matagumpay sa buhay.


Isiniwalat din ni Jose na kinausap umano siya ni Buboy Villar at humingi ng paumanhin sa kanya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo