Andrea Brillantes, May Delikadong Ginawa.

Biyernes, Hunyo 16, 2023

/ by Lovely


 Marami sa mga fans ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes ang nag-aalala sa mga ginagawa ngayon ng aktres.


Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na may pinagdadaanan ngayon si Andrea Brillantes dahil sa hiwalayan nila ng kanyang nobyo na si Ricci Rivero.


Kaya naman naiintindihan ng ilang mga netizens na nasasaktan pa rin ito dahil naging saksi naman ang lahat sa pagmamahal na ibinigay ng actress sa basketball player.


Subalit, labis na ikinagulat ng mga netizens maging ang mga fans ni Andrea na magagawa ito ng aktres. Marami ang napapatanong kung ito naba ang epekto ng kanyang pinagdadaanan ngayon.


Maging ang ina ni Andrea ay hindi napigilang pagsabihan ang aktres dahil tila sumusubra na ito ngayon.


Kumakalat ngayon sa social media ang larawan ni Andrea Brillantes kung saan nakalabas ang ulo nito sa sasakyan habang tumatakbo sa isang high way.


Marami ang nag-alala kay Andrea dahil napaka delikado nito. Agad din siyang pinagsabihan ng ilang mga netizens. Hindi lamang ito delikado para sa kanya, kundi delikado din ito para sa ibang mga motorista.


Maging ang motivational speaker at businessman na si Rendon Labador ay pinuna rin ang ginawa ng aktres.


"Kaya madaming Gen Z ang nadidisgrasya kasi ang likot likot niyo."


Ginamitan pa niya ito sa mga #Roadsafety at #PrayForAndrea.


Hirit pa ng ibang mga netizens na dapat ireklamo at pagbayarin ang driver ni Andrea dahil sa pagiging careless nila na maaring makadisgrasya rin ng iba pang mga motorista sa daan.


"Dapat hanapin ng LTO driver nito! They are being careless, pag naaksidente baka makadamay pa ng ibang sasakyan to! tsk tsk tsk!!!"


Marami naman ang nagsasabing baka nagagawa ito ni Andrea dahil sa naganap na hiwalayan nila ni Ricci. Tila paraan umano ito ni Andrea para sa kanyang pagmomove on.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo