Buboy Villar Umamin Na Scripted Ang Kanilang Show, Kaibigan Nga Ang Contestant

Martes, Hunyo 27, 2023

/ by Lovely


 Umamin na ang isa sa mga panibagong host ng Eat Bulaga na si Buboy Villar na talagang scripted ang kanilang show.


Inamin rin niya na talagang kilala niya ang contestant sa unang episode ng 'Pinaka Segment' ng rebranded Eat Bulaga. Subalit, iginiit ni Buboy Villar na hindi scripted ang pagkuha nila sa contestant.


Ipinunto din ni Buboy Villar na hindi niya alam na nasa audience pala ang kanyang kaibigan at ito pa ang mapipili para sa segment.


“Well, talagang nasa script po ‘yung laro namin kasi siyempre mahirap naman po ata ‘to hindi naman po ito birthday lang na parang magsabi kami ng, ‘Bring me’, ‘yun na po agad ‘yung laro namin. So aral po ‘yung mga laro namin dito pero pagdating na po sa mga contestant ay hindi na po namin alam ‘yun,” paglilinaw ni Buboy Villar.


“Hindi ko alam na manonood siya ng Eat Bulaga. Hindi ko talaga expected kasi ang una kong gustong nandoon sa stage ay ‘yung nanay ko, siya ‘yung in-invite ko, gusto ko saksi ‘yung nanay ko doon kasi unang-una po sa lahat, Eat Bulaga po ito, part po ito ng history, tapos tutungtong po kami sa stage ng Eat Bulaga,” pagdedepensa pa ni Buboy Villar.


Matatandaan na naging malaking usapin sa social media, nang mapansin ng mga netizens na ang napiling contestant para sa pinaka segment ng Eat Bulaga.


Nagmaang-maangan pa si Buboy na hindi niya kilala ang nasabing contestant gayung tauhan pala niya ito sa isa sa kanyang mga negosyo.


Samantala, agad namang dinipensahan ni Paolo Contis si Buboy Villar at ipinunto na ang tanging pakakamali lamang nito ay ang hindi pag-amin na kilala pala niya ang nasabing contestant.


“It was a very honest mistake, una sa lahat, the only mistake I guess was that Buboy did not mention it on air na kilala niya 'yung tao. Pero 'yung taong 'yun hindi niya kasama sa likod, pumila 'yun ng alas-sais ng umaga tapos pinili siya ni Mavy 'di ba? 


"Pero ang tao naman kasi hahanap at hahanap ng paraan para sabihing…lalo ngayon na para kang nasa microscope 'di ba lahat ng kaunting mali mo e, pupunahin,” depensa ni Paolo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo