Ricci Rivero at Andrea Brillantes Naglive In Na Pala, Ricci Kumanta

Martes, Hunyo 27, 2023

/ by Lovely

Sa naging guesting ni Ricci Rivero sa kamakailang episode ng Fast Talk with Boy Abunda, tahasan niyang nilinaw ang ilang mga isyu sa pagitan ng hiwalayan nila ng aktres na si Andrea Brillantes.


Isa sa mga naitanong ni Boy Abunda kay Ricci Rivero ay kung nagli-live in na nga ba sila ni Andrea Brillantes.


“Nag-live in ba kayo ni Andrea Brillantes?” tahasang tanong ni Boy Abunda.


Agad naman itong sinagot ni Ricci at inaming minsan ay nagli-live na sila ni Andrea Brillantes sa kanya umano ito minsan umuuwi at minsan naman ay nagpupunta naman siya sa bahay ng aktres.


“Siguro Tito Boy from time to time we do pero ang gusto kasi ni Tita is for her to go home rin and ‘yun din naman ‘yung sinasabi ko. Ayoko rin na at this early age… gusto ko magpokus ka din sa industry mo, sa work mo, sa goals mo, ako kailangan ko ring magpokus dun sa akin.”


“Pero there are times na we do sleep together,” pag-amin ni Ricci Rivero.


Muling nilinaw ni Tito Boy Abunda ang tanong niya kay Ricci yoang mas maging malinaw sa lahat ng mga netizens ang totoong naging set-up ng relasyon nila.


“May mga panahon na sa bahay ninyo siya umuuwi at ikaw sa bahay nila?” tanong ni Tito Boy.


“Opo. Opo,” pag-amin muli ni Ricci.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo