Paolo Contis May Mensahe Sa Paglipat Ng It's Showtime Sa GTV

Martes, Hunyo 27, 2023

/ by Lovely


 Sa darating na July 1, 2023, hindi na mapapanood sa TV5 ang It's Showtime dahil lilipat na sila sa araw ding iyon sa GTV isang subsidiary channel ng GMA7. Nauna nang naiulat na magtatapos na sa darating na June 30, 2023 ang kontrata ng It's Showtime sa TV5.


Bagama't nasa subsidiary channel lamang ng GMA7 ang It's Showtime, masasabing nasa iisang bakuran pa rin sila ng rebranded Eat Bulaga ng TAPE Inc.


Samantala, nagreact na ang main host ng rebranded Eat Bulaga na si Paolo Contis hinggil sa balitang ito. Naglabas din siya ng mensahe para sa It's Showtime.


Ayon kay Paolo Contis, dahil nasa iisang bakuran na sila ini-expect niya ang isang healthy competition sa pagitan ng dalawang shows.


Excited din umano siya sa mga upcoming opportunities na paparating dahil sa collaboration na ito.


“This is a very big collaboration kasi noontime show na 'to. It opens up a lot of opportunities for other actors para makapag-guest doon at the same time para makapag guest dito. 


"It will be a very healthy competition because your basically under one roof," pahayag ni Paolo Contis.


Lumabas ang pahayag na ito ni Paolo Contis sa gitna ng isyung maari silang palitan ng It's Showtime sa GMA7 main channel sakaling patuloy pa rin ang pagbaba ang kanilang ratings.


Matatandaan na matataas na ratings ang palaging nakukuha ng Eat Bulaga noon nang ang dati pang dabarkads ang hosts nito sa pangunguna ng TVJ.


Subalit, noong umalis na ang mag ito ay unti-unti na ring bumababa ang ratings ng Eat Bulaga dala ng mga kontrobersyal at pambabatikos na rin sa mga hosts nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo