Halos Walong Porsyento Bitbit Ng Tvj Sa Tv5!Mga Jalosjos at Gma Nganga Sa Ads Ngayon!

Lunes, Hunyo 19, 2023

/ by Lovely

 

Usap-usapan pa rin ngayon sa mundo ng showbiz ang pag-alis ng TVJ sa Tape Inc. ng mga Jalosjos.


Ayon pa sa mga naglabasang mga bali-balita ngayon agad na sumunod sa TVJ ang halos 80 percent ng mga main advertisers ng Eat Bulaga advertisers kahit pa nakapag-advance na umano ang mga ito sa TAPE Inc.


Agad umanong sumunod sa TVJ sa TV5 ang mga advertisers upang suportahan ang ilulunsad ng mga itong panibagong show na tatapat sa dati nilang pinag-hohostan na Eat Bulaga.


Kaya naman, labis umano ngayong nasisiyahan si Manny Pangilinan sa mga advertisers na sumunod sa TVJ kaya nito binibigyan ng malaking pabor ang mga ito.


Matatandaan na nauna nang naiulat na sadyang pinarenovate ng TV5 ang dalawa nilang studio upang magkaroon ng mas malaking studio ang show ng TVJ.


Ibinigay din sa mga ito ang noon timeslot ng TV5 na kasalukuyan pang hawak ng Kapamilya show na It's Showtime.


Matatandaan na nauna na ring ibinahagi ni Joey De Leon ang ibinigay na suporta ng Puregold chairman na si Susan Go sa TVJ kahit pa may advance pa rin sila sa TAPE Inc. ng mga Jalosjos para sa Ads ng Eat Bulaga.


Samantala, naging regular naman ang pagdalaw ng mga original Dabarkads sa bago nilang studio sa TV5 upang maisagawa ang rehearsal para sa kanilang show na magsisimulang ipalabas sa ere sa darating na July 1 o sa July 3.


Sa ngayon ay hindi pa rin tiyak kung ano ang magiging pamagat ng kanilang show dahil pinag-iisipan pa umano itog mabuti ng iconic trio.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo