Rita Daniela May Inggit Nga Ba Kay Julie Anne San Jose at May Iringan Ba Sa Kanila?

Biyernes, Hunyo 16, 2023

/ by Lovely


 Nagpaunlak na sa isang panayam ang aktres na si Rita Daniela kung saan hayagan niyang sinagot ang ilan sa mga personal na katanungan patungkol sa kanyang buhay.


Matatandaang ginulat ni Rita Daniela ang publiko nang isiniwalat niya ang kanyang pagbubuntis.


Samantala sa naganap na guesting ni Rita Daniela sa Fast Talk With Boy Abunda, hayagang naitanong sa kanya ni Tito Boy kung may itinatago ba siyang inggit sa actress singer na si Julie Anne San Jose.


Naitanong ni Boy Abunda kay Rita kung ni minsan ba ay hindi siya nakaramdam ng inggit sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng Asia's Limitless Star na si Julie Anne San Jose sa gitna ng labis na pagsikat nito ngayon.


Agad naman itong sinagot ni Rita at ipinagdidiinan na wala siyang nararamdamang inggit ngayon kay Julie Anne. Aniya pa, may kanya-kanyang season sa pagsikat ang bawat artista.


Matatandaan na dumaan din sa labis na pagsikat noon si Rita Daniela lalo na noong nakatambal niya ang aktor na si Ken Chan.


Dahil dito ayon kay Rita na wala siyang dahilan na mainggit kay Julie Anne San Jose.


Pagpupunto pa ni Rita na walang isyu sa pagitan nila ni Julie Anne San Jose at maayos umano ang kanilang relasyon. Sa katunayan ay magkumare pa silang dalawa.


Hindi rin umano sila naglalamangan sa bawat achievement nila sa isa't-isa.


Matatandaan na nag-ugat ang pagkukumpara kina Julie Anne San Jose at Rita Daniela dahil nagkasama sila bilang mga contestant sa iisang singing contest kung saan si Rita ang itinanghal na panalo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo