Jeremy Jauncey, Nagbigay Na Ng Detalye Sa Naganap Na Private Wedding Nila Ni Pia Wurtzbach

Lunes, Mayo 29, 2023

/ by Lovely


 Dalawang buwang matapos ang private wedding nina Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey, may ilang detalye patungkol sa naganap nilang kasal.


Ikinasal sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at businessman Jeremy Jauncey noong March 24, 2023.


Ginanap ang kanilang kasal sa North Island sa Seychelles at ibinunyag lamang nila ito sa publiko matapos ang mahigit isang buwan matapos itong isagawa.


Matatandaan na una nang ipinahayag nina Jeremy Juancey at Pia Wurtzbach ang pagnanais nilang gawing pribado ang kanilang kasal.


Kaya naman sa naganap na seremonya, tatlong tao lamang ang naroon si Pia na rin mismo ang nagmake-up sa kanyang sarili.


Samantala sa ibinahaging post ni Jeremy, ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa mga taong sumuporta sa kanilang desisyon ni Pia na gawing pribado ang kanilang pag-iisang dibdib.


“We did things differently, just for us, away from stress so we could relax and be present for the moment.”


Sa isa pang post, ibinahagi ni Jeremy ang ginawa nila ni Pia kinabukasan matapos ang kasal. 


Bumalik sila sa parehong lokasyon kung saan nagpalitan sila ng kanilang mga wedding vows dala ang isang speaker, isang bote ng champagne, at pagbabalak na panoorin ang first sunset bilang husband and wife.


“We listened to our favorite songs, brainstormed our wedding videos, and relaxed as the tide came in and the sun dipped below the horizon.”


"We listened to our favourite songs, brainstormed our wedding videos and relaxed as the tide came in and the sun dipped below the horizon……"


"What we forgot was that this beach @live.north gets cut off from the rest of the island when the tide comes in. A huge wave hit the beach, soaking us, sweeping away our stuff and reminding us we only had a few minutes to get back home or we’d be sleeping with the sand flies and crabs"


Nauna nang isiniwalat ng beauty queen na sasama na siya sa kanyang mister sa United Arab Emirates dahil naroroon nakabase ang negosyo.


Ibinibenta na rin ni Pia ang kanyang tinitirhan sa Pilipinas sa halagang 48 million pesos.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo