Xander Ford Nagbakasyon Sa Isang Mamahaling Resort Kahit Baon Sa Utang

Lunes, Mayo 22, 2023

/ by Lovely


 Mainit pa ring pinag-uusapan sa social media ang paniningil ng social media personality na si Xander Ford Arizala kay Christian Merck Grey na kilala rin bilang si MakaGwapo dahil nangako umano ito sa kanya na magbibigay ng 349 thousand pesos at sasagutin ang kalahati ng mga nagastos sa pagpapabinyag sa kanyang anak na si Baby Xeres.


Subalit, laking pagkadismaya ni Xander nang hindi sumipot sa binyagan si Makagwapo at hindi rin nito tinupad ang pangakong pera sa kanya.


Ayon pa sa pagsisiwalat ni Xander Ford, nagkada-utang utang sila dahil umasa silang magbibigay si MakaGwapo at ito rin umano ang dahilan kung bakit isang magarbong binyagan ang naganap.


“Sobrang zero kami ngayon, dami ko pang naging utang. Nakakasama ng loob guys sa totoo lang. Nahihiya akong magpakita sa inyo ng ganito,” pahayag pa noon ni Xander.


Hindi naman nabigo si Xander at nakakuha ng simpatya ng mga netizens dahil sa pagkaubos ng pera at pagkakaroon nito ng maraming utang dahil sa pinaasa sila ni Makagwapo.


Subalit, ang awa ng mga netizens ay kaagad na napalitan ng inis ng kamakailan lamang ay ibinahagi ng kinakasa ni Xander Ford ang naganap sa kanilang 2 days vacation sa mamahaling resort kung saan naganap rin ang reception sa binyag ng kanilang anak.


Ang rate ng resort kung saan sila namalagi ng dalawang araw ay nasa 12, 000 hangang 20, 000 pesos.


Kaya naman kinukwestyon ngayon ng mga netizens si Xander Ford kung bakit nanatili sila sa resort ng dalawang araw gayung naghihirap naman pala sila financially.


Halos hindi rin makapaniwala ang iba pang netizens sa kakapalan umano ng mga mukha nila na maging ang pagstay nila sa resort ay si MakaGwapo pa ang pagbabayarin.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo