Donnalyn Bartolome Tinawg Na Dumb ng Isang Bartender

Lunes, Mayo 22, 2023

/ by Lovely


 Naging lamang ng mga usap-usapan sa social media ang kumakalat na video ng social media personality at influencer na si Donnalyn Bartolome.


Sa isang Instagram post, mapapanood ang video kung saan biglang kumalat na lamang sa table ang inuming umaapoy ni Donnalyn Bartolome.


Maririnig naman sa video ang pagsisigawan ng mga kasamahan ni Donnalyn habang tumatakbo nang palayo ang social media personality.


Agad namang naapula ang apoy at tila wala namang nasaktan sa nasabing insidente.


“Bringing your friend who rarely goes out to a party be like: [random emojis],” caption ni Donna sa kanyang post.


Agad itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. Subalit ang nakaagaw ng pansin sa ilan ay ang komento ng isang bartender kung saan ipinahayag nitong 'dumb' si Donnalyn.


“As a bartender before, I must say this: That’s so dumb,” lahad ng bartender sa comment section ng post ni Donnalyn.


Paliwanag pa niya, “Never drink something that is still on fire. You or other people around you could’ve been badly injured.”


“Also, straws on flaming shots are overrated. Provided that the glass is heat proof or a thick glass, just blow the fire out or put a coaster on top then drink it as it should be: A SHOT.”


Naging hati naman ang naging opinyon ng mga netizens sa ipinahayag ng bartender, may mga suma-ayon rito subalit mayroon ring dinepensahan ang pagiging imosente ni Donnalyn Bartolome.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo