Sa isang media con na pelikulang Lola Magdalena ay na interview ang actress ng mga reporters.
At ngayon sa edad na 83 ay mapili na sa pagtanggap ng isang proyekto ang actress.
Dahil sa iniingatan niya ang kanyang kalusogan, Sa katunayan nga daw ay ito rawa ang unang project na tinanggap niya mula noong nagkapandemic 19.
Sa kanyang panayam ay natanong siya, hinggil sa mga kasamahan niya sa industriya, na mga naging kasabayan niya noon.
Alam naman daw ng beteranang actress na kakaunti na lamang silang aktibo sa showbiz, dahil ang iba ay pumanaw na at yong iba ay mahina na din at hindi na kayang makapagtrabaho.
Tulad na lamang ni Gloria Romero na nagpasya na din na tumigil na sa pag-arte, dahil sa kanyang sakit ngayon, na vertigo.
Ayon pa kay Perla Bautista na mayroon daw umano silang grupo sa messenger ng mga kaedaran niyang mga artista.
Sa nasabing messenger daw umano sila nag-uusap at nagkukumustahan at nagkukuwentohan hinggil sa kanilang mga karanasan sa industriya ng showbiz.
Isa daw umano sa madalas niyang makausap ay ang kaibigan niyang si Caridad Sanchez na aminado siyang may Alzheimer's ito raw umano ang salitang ginamit niya sa paglalarawan ng kanyang kaibigan.
Bigla na lamang daw itong tatawag sa kanya at tinatanong kung saan siya nakatira, sa tuwing sila raw ay nag-uusap ay ganun at ganun daw palagoi ang mga tanong ni Caridad sa kanya.
Pero walang sawa niya naman daw itong sinasagot, kaya naman ng maynakarinig raw sa kanyan nakasama niya sa bahay ay napatanong daw kung bakit paulit-ulit daw umano siya sa mga sinasabi niya.
Kaya naman ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit paulit-ulit ang kanyang mga sinasabi.
Kuwento niya pa na masaya naman daw sila na nag-uusap ni Caridad dahil binabalikbalikan nila ang kanilang mga nakaraan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!