Xander Ford Inamin Na Nais Makakuha Ng Pera Kay MakaGwapo Kaya Kinuhang Ninong

Lunes, Mayo 22, 2023

/ by Lovely


 Hayagan nang inamin ng dating aktor at social media personality na si Xander Ford Arizala na nais lamang niyang makakuha ng pera kay Christian Merck Grey aka MakaGwapo kaya kinuha niya itong ninong ng kanyang anak na si Baby Xeres.


Ayon sa mensaheng ibinahagi ni Xander Ford ipinahayag niyang kaya may kinukuhang ninong sa pagpapabinyag upang may gumastos at magbigay ng pera na gagamitin sa binyagan.


"OH MERCK PARA MAY ALAM KALANG 

N-NANANAGOT NG BINYAG

I- INTENSYONG BAYARAN ANG NAGASTOS SA BINYAG

N- NANGANGAILANGAN ANG NAGPABINYAG KAYA KAILANG SAGUTIN ANG BINYAG

O-OBLIGASYON ANG BINYAG

N- NA-INVITE KA SA BINYAG DAHIL IKAW ANG KAILANGAN MAG BAYAD KAYA PASALAMAT KA

G- GAGAMITIN ANG SARILING PERA PARA BAYARAN ANG NAGASTOS SA BINYAG"


Nauna rito, inamin mismo ni Xander Ford na mayroon siyang financial problems kaya kinailangan niya ang tulong pinansyal mula sa Makagwapo. 


Subalit, dahil hindi pumayag si Christian Merck na maging ninong at hindi rin nagbigay ng pera, tila napilitan si Xander na maglabas ng pera para sa sagutin ang gastusin ng binyag at ang reception.


Matatandaan na hindi lamang isang beses na nanawagan si Xander Ford kay MakaGwapo na ibigay na nito ang perang ipinangako sa kanya dahil kailangan na kailangan niya ito ngayon.


Umiiyak pa noon si Xander Ford na nagmamaka-awang nasa bottom point na umano sila ngayon at walang-wala na.


Agad naman siyang tinawagan ni AwitGamer at nagsanib pwersa sila sa paniningil kay MakaGwapo.


Agad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang ipinahayag ni Xander Ford.


"Super nakakahiya tong taong to! Ang tindi! Nagpabinyag tas ninong pagbabayarin nakakahiya. Gusto magyabang tas Ninong pagbabayarin ng nagastos."


"Ginamit yung bata para gumawa ulit ng issue para pag usapan uli sa socmed. The design is very ksp. Haha"


"Tama si Marlou kasalanan ni Merck yan nagyabang sya noon tapos ngayon biglang bawi kasi walang pera. In Marlou we trust. Sya ang simbolo ng taong may prinsipyo at mabuting pilipino. May paninindgan at may isang salita. Swerte ng asawa at anak nya sa kanya."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo