Jason Hernandez Tinawag Na Savior Ang Kanyang Mystery Woman!

Lunes, Mayo 22, 2023

/ by Lovely


 Muling pumukaw sa mga attensyon ng mga Marites ang panibagong update na ibinahagi ng estranged husband ni Moira Dela Torre na si Jason Hernandez.


Ibinahagi kamakailan ni Jason ang mga larawan ng hindi pa niya ipinapakilalang babae habang parehong nakatanaw sa Horseshoe Bend Canyon sa Arizona, USA.


Samantala, isinulat naman ni Jason ang isang sweet na mensahe na tumutukoy sa kanyang mystery woman.


“Siya ang nag ligtas sa’kin, ang nagbalik ng aking ngiti.”


Sa kabilang bahagi, hindi pa rin pinapakilala ng tuluyan ni Jason Hernandez ang kinakasama niya ng babae ngayon.Hindi rin nito pinapasilip kahit ang mukha man lang ng babae.


Matatandaan na naghinala pa noon ang ilang mga netizens na nagkabalikan na sina Moira Dela Torre at Jason Hernandez dahil magkasunod lamang ang pagbabahagi nila ng mga nakatalikod na larawan ng kanilang mga partner.


Kapansin-pansin rin umano, ayon sa mga netizens ang pagkakapareho ng postura ng babae kay Moira. Maging ang suot na sing-sing ng babae ay itinuturong kapareho ng suot ni Moira bago magbakasyon.


Subalit, nilinaw na ng singer na hindi siya ang babae kasa-kasama ngayon ni Jason Hernandez na siyang ikinaguho ng mundo sa kanilang mga tagahanga na hanggang ngayon ay umaasa pa rin na muli silang magbabalikan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo