Jomar Lovena, Inaming Siya Ang Sumira Ng Relasyon Nila Ni Veybillyn Gorenz!....

Lunes, Mayo 22, 2023

/ by Jerome


Tila nagka-ayos na nga ang dalawang sikat na social media influencer na sina, Veybillyn Gorenz at Sachzna Laparan.


Matapos ang matinding naging bangayan ng dalawa sa social media, ng pag-awayan nila si Jomar Lovena.


Matatandaang humingi ng respeto si Veybillyn kay Sachzna, matapos na makita niya ang video ng vlogger na kasama si Jomar Lovena sa Shargao.


Matapos naman nito ay hindi rin ikinatuwa ni Sachzna ng tawagin siya ni Veybillyn na isang Kabet. 


Dito na nga ay nagpalitan na ng mga maaanghang na mga salita ang dalawang sikat na influencers na umabot pa sa pagbabanta ni Sachzna na kakasohan niya si Veybillyn dahil sa mga maling paratang nito sa kanya.


Gayun paman, matapos nga ang tatlong araw na bangayan ng dalawa sa social media ay nagka-ayos na sila.


Ito ay matapos na ipost ni Sachzna sa kayang Facebook account ang isang black in white na larawan nila ni Veybillyn na kasama ang anak nito.


Kalakip ng larawan ito ang caption niya na, "Di pa kami patay, nag away lang. "


"Hehe ok na both sides pasensya na sa tatlong araw nyong walang tulog. Daming lesson learned lalo na sa sarili ko. Love you Veybillyn ako na lang tatay ni Sety. Charot."


Kasunod naman nito ay inilabas din ni Sachzna ang screenshot ng usapan nila ni Veybillyn na patunay na nagka-ayos at nagkapatawaran na silang dalawa.


Samantala, kasabay nga nito ay ipinaliwanag din ni Jomar ang pinag-ugatan ng silosan na ng yari sa dalawang malapit na magkaibigan na sina Sachzna at Veybillyn Laparan.


Ayon nga kasi kay Jomar na nagpunta nga daw siya sa Siargao na hindi nagpapaalam kay Veybillyn, Dahil may hindi umano daw sila pagkakaunawaan nung araw na iyun.


Pagpapaliwanag niya sa kanyang post, "- Simulan po natin kung san nag simula yung issue na to.. Nag punta po ako ng siargao ng hindi ako nag paparamdam kay veybillyn dahil hindi kami ayos nung panahon na yun nagulat nalang siya nasa siargao na ako.."


"Hindi ko siya masisisi kung ano man yung maramdaman niya na galit dahil kasalanan ko naman talaga yun at dagdag pa ng mga nag labasang video namin sa Siagao.."


"Gusto ko lang po iklaro sa mga tao na walang namagitan samin ni SACHZNA sa siargao at walang pong " KABET " or landian na nangyari sa siargao and sige sasabihin ko nadin po na wala po talagang namagitan samin ni SACHZNA kahit dati pa na mag kaloveteam kaming dalawa lahat ng ginawa namin is para lang sa work at mapasaya namin yung mga sumusuporta samin 🙏 at isa lang po ang pinunta namin dun kundi mag charity sa mga nasalanta at work na kailngan namin gawin sa siargao."


"kaya iiwanan ko ang salitang to na walang ganung nangyari.. at gusto ko po sabihin na inayos na namin to ng PRIVATE and okay na both side 🙏"


Kasabay nga nito ay humingi rin siya ng tawad kay Veybillyn dahil sa nangyari, pati na rin sa mga kasalanan at mga pagkukulang niya bilang partner sa buhay.


Bukod rito ay humingi din siya ng tawad sa kanyang anak, dahil inamin niya na siya ang sumira sa kanilang pamilya at kung bakit magulo ang kanilang pamilya ngayon.


Pero nangangako naman daw siya na kapagdumating na ang pagkakataon na maayos na ang lahat, ay gagawin na daw umano sa abot ng kanyang makakaya upang maiparamdam sa kanyang anak ang kanyang buong pagmamahal.


Pahayag niya, "Gusto ko humingi ng tawad sayo sa lahat lahat ng mga nagawa ko at pag kukulang ko.. ako lahat ang may kasalanan kung bakit humantong sa ganito yung relasyon na binuo natin."


"Sorry kung hindi ako naging mabuting partner sayo.. Sorry kung hindi ko naibigay yung mga dapat deserve mo dito sa mundo.. sorry sa lahat ng sakit na naramdaman mo sa pagiging walang kwentang tao ko."


"Minahal mo lang ako ng sobra sobra at hindi ko naibalik yung pag mamahal na deserve mo sorry 😢 Kasalanan ko lahat to at walang dapat sisihin kundi ako wala na pong iba."


"Salamat sa pag mamahal na binigay mo sakin VEYBILLYN SOBRA AKONG NAG PAPASALAMAT AT NAGSISISI SA LAHAT SORRY 😢" 


Dagdag paniya, "Gusto ko din humingi ng tawad Sa anak ko.. BABY SETY sorry sa nangyari sa family natin." 


"kung nasira ni papa 😞 Pangako anak mas magiging better si papa para sayo at sa future na tatahakin mo andito lang ako lagi at ang mama mo laging nakatingin sa mga dadaanan mo at laging aalalay sayo sa lahat MAHAL NA MAHAL KITA."


"Ikaw ang dahilan ng kasiyahan na meron ako dito sa mundo Anak.. pag naging maayos na lahat pangako sa pagkakataon na yun mas mapaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal Lagi kong isisigaw sa mundo kung gaano ako kaswerte simula nung Binigay ka samin ni Lord."




 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo