Rabiya Mateo Pinainggit Ang Sweet Moments Nila Ng Nobyong Si Jeric Gonzales

Biyernes, Mayo 12, 2023

/ by Lovely


 Muling pinakilig ng dating Miss Universe Philippines ang kanyang mga tagahanga matapos ibahagi ang sweet photos nila ng nobyo na si Jeric Gonzales.


Sa isang TikTok video na ibinahagi ni Rabiya Mateo, ipinahayag niya kung gaano niya naa-appreciate ang pagiging sweet ng kanyang nobyo sa kanya.


Sa nasabing clip, ibinahagi ni Rabiya Mateo kung paano siya nagkaroon ng late-night cravings sa mga prutas, at kusang-loob siyang binilhan ni Jeric. Lalong na-appreciate ng beauty queen na kahit pagod ang aktor sa pagtatrabaho, sinisiguro pa rin nitong masamahan siya sa pagbili ng mga prutas.


"He's so sweet talaga guys, kasi at this moment, sinamahan niya pa rin ako. Pumunta kami ng palengke. Tignan nyo siya guys, bumibili ng prutas kahit pagod na pagod na 'yan galing trabaho. Thank you, baby. Thank you, Jeric," pagbabahagi ni Rabiya.


Agad naman itong umani ng mga reaction at komento mula sa mga fans at ipinahayag ang kanilang komento ng kilig. Subalit hindi pa rin maipagkakaila na may mga bumatikos sa pagpapahayag ni Rabiya.


"ganyan talaga pag bago 😅😅... kaya namnamin mo na lahat haha"


"So sweet naman! 🥰


"Sa una lang po yan for sure po babalik ka rin po kay 7yrs mo. First love never dies kaya."


"ganyan din ginawa Niya Kay Sheryl Cruz."



@rabiyamateo Always ko na-aappreciate efforts mo baby @Jeric Gonzales ♬ original sound - Rabiya Mateo

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo