Viy Cortez Pinahanap Ang Lumuhod, Nagmakaawang Delivery Rider

Huwebes, Mayo 25, 2023

/ by Lovely


 Nananawagan ang social media personality at businesswoman na si Viy Cortez sa viral na delivery rider sa TikTok.


Ang nasabing delivery rider ay umano’y lumuhod at nagmakaawa sa isang traffic enforcer matapos siyang matiketan, dahil sa paglabag sa batas-trapiko.


Sa pamamagitan ng isang Facebook post ngayong Huwebes, Mayo 25 ibinahagi ni Viy Cortes, ang screengrab sa TikTok video na nagpapakita ng pagluhod ng isang delivery rider sa harapan ng traffic enforcer.


“May nakakakilala po ba kay kuya na nag trending sa tiktok? Yung kumuha ng lisensya ni kuya tapat lang siya sa sa kanyang trabaho(hindi ko alam ang tunay na nangyare) Pa tag po salamat,” pahayag ni Viy Cortes.


Dinepensahan naman ni Viy Cortes ang traffic enforcer na binabash sa social media dahil sa pagluhod ng delivery rider. Pagpupunto ni Viy Cortes, ginawa lamang nito ang kanyang trabaho.


Gayunpaman, nais niyang malaman kung sino ang lumuhod na delivery rider upang mabigyan niya ng tulong.


“Guys walang mali ang enforcer basahin nyo caption ko. Tapat lang sya sakanyang trabaho. Nais ko lang tulungan si kuya rider. Dahil para lumuhod ka at magmakaawa maaring malaki ang pinagdadaanan nya.”


Sa kasunod na post, ipinahayag niya na tila nagkita na sila ng nasabing delivery rider. Hiling din ni Viy na huwag nang palakihin pa ang isyu.


“Nagkita na po kami salamat po♥️ wag nyo na po palakihin pa itong post ko salamat,” pakiusap ni Viy, kalakip ang litrato nila ng rider.


Aminado rin naman umano ang rider na may pagkakamali siya sa mga panahong iyon.


“Aminado po si kuya na siya ay nagkamali. Saka lang po siya lumuluhod para sana mapababa kase po ₱2k po ang kailangan para maibalik. Kaya po wala kasalanan ang enforcer tapat po s’ya sa kaniyang trabaho,” paglilinaw ni Viy.


Samantala, mas minabuti na lamang ni Viy Cortes na isa pribado ang detalye ng tulong na ibinigay niya sa delivery rider.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo