Mystica, Sinita Ang Nagsampa Ng Kaso Sa Kanyang Puman@w Na Anak

Biyernes, Mayo 26, 2023

/ by Lovely


 Hindi naitago ng dating aktres na si Mystica ang kanyang pagkadismaya nang malaman na nakatanggap pa rin ng subpoena ang kanyang yumaong anak na si Stanley Villanueva matapos kasuhan ng isang tao.


Matatandaang pumanaw si Stanley noong March 20 dahil sa pagkakaroon ng multiple health conditions. Hindi naman ito matanggap ni Mystica kaya sinisis ng aktres si Maria Paolo Hines dahil ito umano ang dahilan kung bakit lumala ang sakit ng kanyang anak.


Ayon sa mga siniwalat ni Mystica, sinusubukan ni Maria Paolo Hines na singilin sa utang ni Stanley.


Kamakailan lamang, ibinahagi ni Mystica ang isang larawan ng court order para umano sa yumaong si Stanley. Kung saan makikita si Maria Paolo Hines nga ang nagsampa.


“As you can see, lahat ng sinabi at nai-post na statements ng anak ko ay TRUE STATEMENTS for PUBLIC AWARENESS because he needed his FREEDOM OF SPEECH to spread the WHOLE TRUTH to defend himself from such FALSE ACCUSATIONS and all his STATEMENTS were all backed-up with EVIDENCES and FACTS," pahayag ni Mystica.


“Kilabutan sana siya sa pinaggagawan niya! Gusto pa niyang hukayin at ipakulong yung pumanaw na! Ang lakas niyang mag-ilusyon! Sana bigyan siya ng Diyos ng matinding kaparusahan para mahimasmasan naman ang babaeng ito! Isa pa naman siyang Flight Stewardess.”


Sa kabilang banda, sinabi rin ni Mystica na magfa-file din siya ng counter charges laban kay Maria Paolo Hines sa pagbabalik niya sa Pilipinas.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo