Rider Na Nagmakaawa Sa Traffic Enforcer, Pinapahanap Ni Rosmar Tan!

Huwebes, Mayo 25, 2023

/ by Jerome

 


Viral at usap-usapan ngayon sa social media ang isang video ng pagluhod at pagmamakaawa ng isang food delivery rider sa isang traffic enforcer sa Kalakhang Maynila.


Ayon sa uploader ng nasabing video, nakikiusap umano ang hindi pa nakikilalang delivery rider sa isang enforcer na wag na itong ticketan at pagmultahin sa kung anu man ang kanyang naging violation.


Gayun paman, ay makikita sa ibinahaging video na tila hindi na nga naawa ang enforcer sa food rider, at tuloy lang sa pagdedma sa nasabing delivery rider.


Maraming mga netizens naman ang nahabag ang kanilang mga puso ng makita ang pangyayaring ito.


Na talagang naawa sila sa food delivery rider na ito, kaya naman napakomento ang mga ito na sana pinagbigyan nalamang ang nasabing nagmamakaawang rider.


Dahil siguradong may pamilya itong umaasa sa kikitain nito para sa araw na iyun.


"Second chance sana eh, hirap nga maging rider lalo na ngayon super init."


"Sobrang nangangailangan yang rider hindi yan luluhod ng basta-basta."


"Baka malaki pangangailangan niya kasi hindi siya luluhod ng basta lang."


Sa kabilang banda ay marami ding netizens ang ipinagtatanggol ang nasabing enforcer, na umani ng pambabatikos ngayon dahil sa pandededma nito sa food delivery Rider.


Ayon nga sa mga ito na ginagampanan lang daw umano ng enforcer ang kanyang trabaho, upang maiwasan ang anu mang uri ng problema sa daloy ng traffic.


"Sorry rider din ako, pero pagpinagbigyan siya, ay puwedeng gawin din yan ng iba, mababaliwala ang traffic law."


"pareho lang naman sila na babad sa inet at nahihirapang magtrabaho, di naman kasalanan nung traffic enforcer kung tiniketan niya yung food delivery rider."


Samantala, dahil nga sa viral video na ito ay maraming mga netizens ang gustong ipahanap ang nasabing rider upang mabigyan ng anumang uri ng tulong.


Isa na nga rito ang social media influencer at CEO na si Rosmar Tan Pamulaklakin.


Nais niyang mahanap at makilala ang nasabing food delivery rider upang iabot ang tulong financial, na nagkakahalaga ng 10 thousands pesos.


Na kalaunan ay naging 15 thousands dahil dinagdagan ng kaibigan ni Rosmar Tan.


Sino ba naman hindi maaawa sa nasabing rider na maka ilang beses na siyang lumuluhod  at nagmakaawang sunod ng sunod sa enforcer para lang hindi na siya tiketan.











Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo