Valerie Concepcion Inaming Sinubukang Kausapin Ang Ama Ng Panganay Na Anak

Linggo, Mayo 21, 2023

/ by Lovely


 Sa naging guesting ng aktres na si Valerie Concepcion sa FastTalk With Boy Abunda, isa sa mga naitanong sa kanya ay kung ano ang inihihingi niya ng tawad sa kanyang panganay na anak na si Heather.


Emosyunal na sinagot ito ni Valerie at hayagang inamin na humihingi siya ng sorry sa kanyang anak dahil hindi niya ito nabigyan ng buong pamilya.


“Mag-so-sorry ako kasi she’s 18 now and may time na hinahanap niya ‘yung tatay niya, so siguro ang iso-sorry ko is ‘yung hindi ko nabigay sa kaniya ‘yung normal na family,” pag-amin ng aktres.


Ipinahayag naman ni Valerie na ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para hindi maramdaman ng kanyang anak ang pagkukulang subalit tila hindi pa rin umano ito sapat dahil alam niyang hinahanap pa rin nito ang kalinga ng isang ama.


Aminado rin ang aktres na talagang nasaktan siya nang malamang hinahanap-hanap pa rin ni Heather ang kanyang ama dahil pakiramdam umano niya ay nagkulang pa siya.


“I try so hard to be a mom and dad to her. Actually it pains me nung nalaman ko na hinahanap niya ‘yung tatay niya kasi parang feeling ko hindi ako enough. Hindi ko nabigay ‘yung lahat para hanapin niya pa ‘yung tatay niya but now I understand,” pag-amin pa ng aktres.


Napagtanto na umano niyang hindi porke't hinahanap ng kanyang anak ang ama ay hindi na siya mahal nito o nabawasan ang pagmamahal nito sa kanya.


“Of course, it doesn’t make her love me less just because she is looking for her father. She just really wants to know where she came from, her roots, and her story so now I understand that,” saad pa ng aktres.


Sa isang ppunto ng kanilang pag-uusap ni Boy Abunda ipinahayag niyang sinubukan umano niyang mag-reach out sa ama ng kanyang panganay na anak subalit hindi man lamang siya nakatanggap ng sagot mula rito.


“We tried reaching out, I tried telling him na, ‘Our daughter is ready to meet you,’ but I didn’t get a response sadly,” lahad ni Valerie.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo