Pokwang, Nababawasan Ng Libo-Libong Followers

Linggo, Mayo 21, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi mismo ng komedyanteng si Pokwang sa kanyang Instagram stories na nababawasan siya ng libo-libong mga followers.


Ayon kay Pokwang, nasa 232 thousand ang kanyang mga followers noon subalit nabawasan umano ng 16 thousand mula ng sunod-sunod na inilabas niya ang kanyang galit sa dating kinakasama na si Lee O'Brian.


Tila hindi pa rin umano ito natatapos dahil unti-unti parin siyang nawawalan ng follower sa paglipas ng mga araw.


Kaya naman, hindi napigilang magtanong ni Pokwang kung bakit ito nangyayari ngayon sa kanya.


"From 232k followers to 216k and now 215k??? Why?" tanong ni Pokwang.


Matatandaan na marami ang naiinis kay Pokwang dahil sa pagiging bitter umano nito sa hiwalayan nila ni Lee O'Brian. Marami ang nagsasabing pabayaan na lamang ang dating kinakasama dahil nanahimik naman na ito at mag-move on na lang.


May mga hindi rin naniwalang walang ginagawa si Lee habang nagsasama sila noon dahil makikita naman umano sa mga vlog na nagkasama sila na kumikilos naman ito taliwas sa ipinapahayag ni Pokwang na isa itong tamad.


Matatandaan na binati pa ni Lee O'Brian si Pokwang noong nakaraang mother's day at ipinahayag pang hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya rito dahil si Pokwang ang nagdala sa kanyang anak rito sa mundo.


Sa kabilang banda, ayon kay Pokwang na patuloy pa rin umano siyang ginagamit ni Lee at kaplastikan lamang umano ang pagpapahayag nitong mahal pa rin siya.


Ayon pa kay Pokwang na tila ginagawa lamang umano ito ni Lee para makapag-promote sa pelikulang Sandwich kung saan kasama ito sa mga cast.


Samantala, sa isa pang Instagram stories, pinasalamatan ni Pokwang ang US Embassy sa pagrant sa kanila ng US tourist VISA.


"Thank you @USEmbassyPH for my multiple US tourist visa forever grateful and sa mga hanash na shunga kung di pa daw kay ex pal di ako makakatungtong sa Amerika ha? excuse me? wala pa siya sa life ko lagi na ako sa US for 15 years!!! sa mga shows ko at nakinabang siya sa mga byahe ko sabit at naka business class pa ha, tutyal!!"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo