Sharon Cuneta, Nahulicam Na Nagma-Marites

Linggo, Mayo 21, 2023

/ by Lovely


 Naghatid ng katuwaan sa mga netizens ang ibinahaging larawan ni Sharon Cuneta na kuha umano ng kanyang Tito Vic Sotto.


Makikita sa larawan na tila hindi alam nina Sharon Cuneta at Ciara na kinukuhanan sila ng larawan.


“Hahahaha kinunan kami ng picture ni Tiyong Vic Sotto kagabi sa bahay ni Daddy Tito at Mama Helen tapos sinend nya sa akin nakalagay ‘Marites!’” pahayag ni Sharon Cuneta sa caption ng kanyang post.


Makikita sa larawan na tila nagbubulongan sila at may pinag-uusapan na kadalasang makikita sa mga nagmamarites.


“Huling-huli kaming magkapatid ni Ciara na nagbubulungan na wala talagang makarinig kundi kami!❤️❤️❤️ @pinaypole @purpleluxe @dior.snow @joywsotto @vicsottoofficial @helenstito @pauleenlunasotto,” dagdag pa ni Sharon.


Agad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang ibinahaging larawan ni Sharon.


"Curious na curious nga po ako kung anong topic niyo.. haha"


"Wlang naka rinig pero may nakakita haha!"


"Marites na marites and picture na ito"


"it's giving me "buntis daw 'yung anak ni Aling Ising" vibe"


Si Sharon Cuneta, kilala rin sa bansag na 'Megastar' sa local showbiz industry, ay isang kilalang beteranong celebrity sa Pilipinas. 


Siya rin ang ina ni KC Concepcion, ang kanyang anak sa kapwa aktor na si Gabby Concepcion. Noong 1996, ikinasal siya kay Kiko Pangilinan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo