Toni Fowler, Pina-Billboard Ng Netizen Alang-Alang Sa Iphone 14!..

Lunes, Mayo 22, 2023

/ by Jerome

 


Viral at pinagkakagulohan nga ngayon ng mga netizen at todo effort para makuha ang pa Iphone 14 ng social media influencer na si Mommy Toni Fowler.


Dito nga ay iba-iba ang mga ginagawang pa kulo ng mga netizens para lamang mapansin ng vlogger at maambonan ng swerte na mabigyan ng Iphone 14.


Marami na nga ang nagviral sa todo effort na kanilang ginawa para makuha ang bagong-bagong iphone 14, sapamamagitan ng kanilang mga kakaibang talento.


Na sa huli ay hindi nga sila nabigo, matapos na sila ay mabigyan ng reward mula sa vlogger na si Mommy Toni Fowler.


Pero ngayon ay mainit naman na pinag-uusapan ang hindi pangkaraniwang ginawa ng isang netizens at vlogger, na kung saan ay ikinagulat ng marami matapos niyang gawin ang bagay na ito.


Para lamang mapansin ng vlogger na si Toni Fowler at upang mabiyayaan ng iphone 14.


Isang kinilalang Jose Guanzon ang nakakuha ng atensyon ng influencer na si Toni Fowler, matapos nitong ipa billboard si Mommy Toni Fowler, sa Common Wealth Quezon City.


Ayon daw sa nasabing netizen na ang nais lang naman daw niya at tuloyan ng mapansin ng vlogger, at iaccept nito ang kanyang friend request sa Facebook.


Kaya naman ang pagpapabillboard daw ang kanyang naiisip na paraan.


Pero kung papalarin nga daw  na maambonan siya ng suwerte ay hindi niya daw tatanggihan ang iphone 14.


Ibinahagi din ng nasabing nitizens ang kanyang nagastos sa pagpapabillboard kay Mommy Toni Fowler.


Ang Tarpaulin ay nagkakahalaga ng 20'000 pesos, at samantala ang billboard naman ay 50,000 pesos ang renta sa para sa isang buwan.


Hindi naman nabigo si Guanzon dahil ilang araw lang matapos niyang maipabillboard si Toni Fowler ay ay tuloyan na nga siyang napansin ng vlogger, at siyempre na ambunan din siya ng iphone 14.


Doon nga sa mismong lugar kung saan itinayo ang billboard sila nagkita at talaga namang makikita sa mga larawan na sobrang sara ni Jose Guanzon at maging ang vlogger ay sobrang saya din.


Kaya naman maraming mga netizens ang humanga sa ginawang ito ni Jose Guanzon, ngunit may ilan naman na naging negatibo ang mga komento.


Narito naman ang ilan sa kanilang mga naging komento, "kakatuwa naman, hahaha you deserve it kuya."


"So happy nakita agad ni Toni ang vlog mo about sa billboard na pinagawa mo, napaka bait niya kaya marami talaga ang humahanga sa kanya."


"Kung inipon niya sana yung pampabillboard niya, para maka bili ng iphone."


"Kunti pa nga yung chance na mapili siya kahit magpabillboard pa siya, hahaha mga tao talaga walang saysay ginagawa sa buhay, kaya ready na din ako na magunaw tong mundo, na sasama ako sa kawalan ng sense sa buhay."







Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo