Marian Rivera Excited Na Sa Showbiz Comeback, Namimili Na Ng Magiging Katambal

Lunes, Mayo 22, 2023

/ by Lovely


 Very excited na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera dahil sa wakas ay magbabalik na siya sa showbiz.


Apat na taon rin ang naging showbiz hiatus ni Marian Rivera dahil sa kanyang panganganak at sa paglaganap ng Covid-19.


Samantala, tuloy na tuloy na ang pagbabalik telebisyon ni Marian Rivera dahil siya na mismo ang nagkumpirma sa balitang ito.


Sa isang kamakailang panayam kay Marian Rivera, ipinahayag  niyang may niluluto nang proyekto para sa kanya. Ipinahayag din niya mismo na malapit na siyang makitang mula sa mga teleserye ng kanyang mga fans.


"Actually, by next month pa, maghahanap pa kami ng cast. Excited kasi four years akong di nag-soap, e. Very light lang ang story kaya excited akong gawin,” pagbabahagi ni Marian Rivera.


Dagdag pa ng Kapuso Primetime Queen, “Sabi ko, parang di ko yata kaya na drama agad, kasi magba-back to scratch na naman ako dahil mangangapa din ako. Ang tagal, four years.”


Inamin rin ni Marian Rivera na bagama't natutuwa siyang may collaboration ngayon na nagaganap sa pagitan ng ABS-CBN at GMA Network, para sa kanya mas madali kung ang kanyang mister na si Dingdong Dantes pa rin ang kanyang makakatambal.


“ABS? Sino ba bagay sa akin? Wag na ABS, si Dong na lang, kasi gusto kong bumalik yung Bonggang Villa namin, baka mangyari yan soon.”


“Ang daming trabaho ng asawa ko, e. Sana masingit pa niya yung Bonggang Villa namin,” saad ni Marian Rivera.


Gayunpaman, nilinaw naman ni Marian Rivera na handa naman siyang nakipagtrabaho sa ibang mga leading man.


Huling nakita sa isang soap opera si Marian Rivera noong 2018, bago niya isilang ang pangalawang anak nila ni Dingdong Dantes na si Sixto.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo