Moira Dela Torre 'Lam Pake Sa Pagpi-flex ni Jason Hernandez sa Kanyang Bagong Jowa

Martes, Mayo 23, 2023

/ by Lovely


 Unbothered at tila walang pakialam ang Hugot Queen na si Moira Dela Torre sa pagbabahagi ng kanyang estranged husband na si Jason Hernandez na may natagpuan na itong panibagong pag-ibig.


Kamakailan lamang, nag-flex si Jason Hernandez ng mga larawan nila ng kanyang rumored girlfriend sa kanyang social media account at ipinahayag pang ito ang nagligtas sa kanya at nagpabalik sa kanyang mga ngiti.


“Siya ang nagligtas sa’kin, ang nagbalik ng aking ngiti,” caption ni Jason.


Naka-limit naman ang comment sections ng mga post ni Jason subalit makikitang marami ang nagbigay ng 'haha' react rito.


Kasunod nito nagbigay naman ng pasasalamat si Moira Dela Torre sa lahat ng mga taong nakasama niya na nagbibigay ng pagmamahal sa kanya.


Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Moira ang ilang mga larawan kung saan makikita ang  iba’t ibang mga kakilala, kaibigan, at personalidad na nagpaparamdam daw sa kaniya kung gaano siya kahalaga at minamahal.


“Never thought my heart could hold and feel this much love before,” caption ni Moira sa kanyang post.


Samanatala, tila hindi na nito binibigyang pansin ang pagpi-flex ni Jason Hernandez sa kanyang bagong lovelife. Pinatutuhanan din nitong talagang naka move on na siya sa naging hiwalayan nilang dalawa noong nagdaang taon.


Agad namang umani ng mga magagandang mensahe mula sa mga netizens at maging ng ilang mga celebrities ang ibinahaging post ni Moira.


"Love you moi kahit naka tag ako sa table hahahaha"


"You deserve all the love that the world is giving you queen"


"God's love is perfectly made for you Moi. Never ka mag-iisa. Kasama mo si Lord palagi at mga taong nagmamahal sayo ng totoo."


Nauna rito, ang paglilinaw ni Moira Dela Torre na hindi sila nagkabalikan ni Jason Hernandez at ipinagdidiinan niyang hindi siya ang babaeng kasa-kasama nito ngayon.


Matatandaan na wala pang isang taon nang aminin mismo nina Jason Hernandez at Moira Dela Torre ang kanilang hiwalayan matapos ang tatlong taong pagsasama bilang married couple.


Isang dahilang ibinigay ni Jason sa kanilang paghihiwalay ay ang kanyang pagiging unfaithful sa asawa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo